"Reunion"

17 3 0
                                    

                               " It's okay, I'm a doctor right? " tugon naman nito.

                                 Tumango tango naman si Jad. Then kevin checked her patient's stability by assessing her breathing, evaluating airway, pulse and heart beat. Since it is a gun shot to her shoulder, ay naging maingat sya sa pagsusuri.

                                " Masama ba ang tama niya? " di napigilang mag alala ni Jad, Yashia is unconscious at patuloy na dumudugo ang balikat nito.

                                   " Shoulders have joints , nerves and soft tissues may mga buto pa, sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang damage but I will give her appropriate antibiotics para maiwasan ang infection. "sagot naman ni kevin at tumayo ito at kumuha ng gamit . Matapos nyang bigyan ng antibiotic nag umpisa na syang tanggalin ang jacket.

                                    " trust me, it is better for you to go out and breathe some air . Ako na muna ang bahala sa kanya, kanina ka pa pabalik balik , hindi ako maka concentrate ng maayos. "saad ni kevin kay Jad na halatang di mapakali, upang hindi magalaw ang balikat ni Yashia ay kumuha si Kevin ng gunting.

                                    Naiinis  naman si Jad sa situasyon " What the hell are you thinking Jad? " pinagalitan ni Jad ang sarili. Minabuti nyang lumabas nalang muna at tumungo sa mini bar ni Kevin.

                                  He indulged himself for the mean time just to take away his frustrations. Naka ilang shot na sya ng maalala ang wallet ng dalaga na nasa bulsa nya. He opened it, " Yashia Mazelle Areno " binasa nya ang calling card na nasa loob."Yashia Mazelle Areno " kumunot ang noo ni Jad.

                              Kinuha nya ang cellphone at agad tinawagan ang kaibigang detective.

                                " Gusto kong imbestigihan mo si Yashia Mazelle Areno ng Ayala Industrial Company , thank you " matapos makipag usap ay muling tinitigan ang calling card.

                                  " Possible kaya? " Ayala Industrial Company, kung hindi sya nagkakamali ay kalaban ito ng kanilang kompanya. At bigla nyang naalala ang unang pagkikita nila ng dalaga.

                                    Makalipas ng kalahating oras ay minabuti nyang bumalik sa clinic na nasa dulo ng bahay ng kaibigan.

                                   " Hindi pa sya nagkakamalay, pero paparating narin naman si Doc Garcia rito. " niligpit na ni Kevin ang mga gamit na pinaglinis nya sa sugat nito.

                                   
                          Naka puting gown na ang dalaga at may dextrose na rin nakasabit rito.

                                      " Sir, may naghahanap po sa inyo. Doc. Garcia daw ang pangalan. " saad ng isang kasambahay ni kevin.

                                     " Papasukin mo Aling Marta. " saad naman ni kevin na ngayon ay pinagmamasdan si Jad na nakatingin sa pasyente.

                                      " Kumusta na pala si Mitch? , kailan sya babalik? " tanong ni kevin.

                                        " Babalik daw sya next week, para pag usapan ang detalye sa kasal namin"  isa pa itong problema. Mahal na mahal nya si Mitch, ngunit biglaan naman ang pagyayaya ng girlfriend ng kasal. Hindi sa kulang ang pagmamahal nya para rito, ngunit wala pa sa plano nya ang magpatali.

" The DECEPTION "Where stories live. Discover now