Her Moves

4 2 0
                                        

                       Yashia tried her best to imagine the face of the man who made her family miserable. Muling tinitigan ang kanyang hawak na picture. Tinanggal nya ang plywood upang makita ang detalye ng mga impormasyon sa buhay nila noon bago mawala ang kapatid  at ama nya.

     
                             " Ikaw ba talaga ang ate ko? Bakit kasama mo ang lalaking ito? "

                              Muling pinagmasdan ni Yashia ang litrato, ang lakas ng kabog ng dibdib nya para itong lalabas. Masaya sya nang malaman na buhay parin ito. She's comparing the old pictures of her ate seventeen years ago at ang hawak nyang litrato ngayon.

                         
                             "Ikaw nga ito ate, kumusta ka na? Nakalimutan mo na ba ako? Bakit hindi mo man lang ako hinanap? Bakit bigla ka nalang nawala? Ano na ang nangyari sayo? " inilapit nya ang picture ng ate sa dibdib at hinayaan ang sariling umiyak. Miss na miss na nya ito. Humiga sya sa maliit na kama at bumaluktot. Samot saring emosyon ang bumabalot sa kanya ngayon.

                              Kailangan nyang tiyakin kung saan nya makikita ang kapatid at kung ang kasama ba nitong lalaki sa picture at ang lalaking binaril nya noon siyam na taong gulang palang sya ay iisa. Muling pinagmasdan ang litrato at pinag aralan ang background.

                            " Kung hindi ako nagkakamali, kuha ito sa ibang bansa. Kailangan kong puntahan si Mang Dado upang malaman ko kung kilala ba nya ang taong ito." Bumangon sya ng mabilis at inayos ang mga kumalat na litrato. Ibinalik muli ang plywood sa dingding.

  
                               Kahit gabi na ay gusto nyang puntahan sa bahay si Mang Dado. Napalingon sya sa nagvibibrate na cellphone.

                                " I know where she is" boses ni Diego ang narinig ni Yashia.

 
                                " Saan ko sya makikita? Paano mo nahanap ang kapatid ko? " sunod sunod nyang tanong kay Diego. Bumalik sya sa kama at umupo. Kinakagat nya ang lower lip nya upang pigilin ang sarili na umiyak.

                                  " whoooaaah babe, dami mo na agad itinatanong sa akin. Malalaman mo lang kapag sinunod mo ang gusto ko. Sa lunes , gusto kong ibigay mo ang lahat ng files tungkol sa mga projects ng P&RT. Stay close to Jad but remember akin ka lang. " agad na nawala sa linya ang binata.

                             Pumikit si Yashia. Napasuntok din sya sa pader. Gustong gusto nyang pilipitin ang leeg ng binata.

    
                             "Mawawala rin tong nararamdaman ko para sayo Diego. Humanda ka."

                              Tumayo na sya at umalis sa apartment. Hindi sya aasa sa binata upang hanapin ang kapatid, pupuntahan nya si Mang Dado upang makausap.

                               Nakarating na sya bahay ni Mang Dado, nakalock ang gate at patay ang mga ilaw.

                                " Saan kaya sya nagpunta? " bigla syang kinutuban ng masama kaya inakyat nya ang gate ng masigurong walang tao sa paligid at walang kapitbahay na nakakapansin.

                                Inaasahan nyang nakalock rin ang main door ngunit ng pihitin nya ito ay bumukas ito. Napalabi sya. Agad nyang kinuha ang kutsilyo sa kanyang likod. Alerto rin ang kanyang mata at pandinig.

                                 Magulo sa loob, nagkalat ang mga damit at mga plastik na silya. Mag isa lang si Mang Dado ngunit alam nyang malinis ito sa katawan. Ilang beses na nya itong nadalaw kaya alam nyang hindi ito makalat sa gamit.

" The DECEPTION "Where stories live. Discover now