She's driving mad dahil sa kumikirot na sugat sa balikat nya. Kinakailangan nyang bumili ng pain reliever at gamot para sa sugat na natamo.
" Sorry, i lied " his words echoed on her mind. She's biting her lower lip to stop herself from crying.
" How could you do this to me? " saad ni Yashia sa sarili. Napatingin sya sa singsing na suot. Ibinigay ito ni Diego isang taon na ang nakalipas.
" I just want you to know na mahal kita at hinding hindi kita iiwan. " Those words, his lies. Saan ba sa lahat ng mga sinabi nito ang totoo?
Nagsimula lang naman ang lahat ng hindi sya pumayag na may mangyari sa kanila noon. Unti unti na itong lumalayo.
" Mahal kita , mahal mo ako! Anong mali doon? Lahat ng mag syota ginagawa naman ang ganito Normal na lang to! " Ginulo nito ang buhok, kapag ganito ang ginagawa ng binata ay halatang nagpupuyos na ito sa galit,paulit ulit na lang nilang pinagtatalunan ang ganito.
" Hindi pa ako handa Babe, I am sorry " paulit ulit na lang. Minsan gustuhin man nya ngunit malaking bahagi ng utak nya ang nagsasabing hindi sya gagawa ng bagay na ikasisira ng lahat.
" Bakit! " Kitang kita sa mga mata nito ang galit at pagkalito. " Prostitute ka naman noon ah, hindi sa pinandidirian kita! But goodness! Hindi kana.. virgin para magpakipot pa at alam mo na tanggap ko ang bahagi ng nakaraan mo. Gusto kong alisin ang bahaging yan sa utak mo kung hahayaan mo akong gawin ito , because ours is love , this is love "" If you love me, maiintindihan mo ako." She tried to kiss him , pero lumayo ito.
Hindi na ito katulad ng dati na maalaga. Wala na ang mga bulaklak , surprises, dates, wala na ang dating Diego na mahal na mahal niya.
'' Pakakasalan naman kita ah! , pananagutan ko kung magbunga man! " may kirot sa bawat salita ni Diego." Nahihirapan din ako Diego , may mga bagay bagay na mahirap kalimutan " ngunit kahit gaano nya pa eexplain ay hindi na bumalik ang dati nilang pagsasama. Hanggang sa nahuli nya ito noon . Akala nya magbabago ito ngunit pansamantala lang pala. Ngayon, nahuli na naman nya, ang mas masakit, nagawa na sya nitong saktan.
" Hija, kung mahal ka ng lalaki, yayayain ka muna nyang magpakasal bago nya hihingiin ang isang bagay sa iyo. " minsan pang pinaalala ni Nanay Lourdes sa kanya.
Ito ang kumupkop sa kanya ng makatakas sya sa ampunan noon at nag palaboy laboy sa daan.
" Kami ng Tatay Isko mo, hinintay namin ang tamang oras at panahon, at tingnan mo, kahit sa kahuli huliang araw nya, ramdam ko ang pagmamahal nya. " kinikilig pa ang Ginang noon.
" Balang araw iibig kayo mga anak, tandaan nyo, ang tunay na magmamahal ay hindi ka ipapahamak. Maiintindihan nyo rin ako balang araw, may mga lalaking gagawin ang lahat para makuha ang lang ang gusto nila at pag nakuha na ay mawawala nalang bigla, kaya mag ingat ka .. kayo din Rhena , Aljean, Marielle at Geera " baling nito sa apat na anak na babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/86631766-288-k870106.jpg)
YOU ARE READING
" The DECEPTION "
Action- Trust no one. Love no one - Yashia's hand was covered with impurity. She was the reason of her father's death - all she wanted was to save him but it was the contrary. Now she's hunting the man behind the mask who made her family miserable and ju...