Chapter 1:The Meet

301 5 4
                                    

"Tara  MID (middle lane) na lahat!"

"Ok wait lang kami diyan"

"Uy mag wards nga kayo, hina map control natin eh"

"Tara! papasok ako!"

Lunes na lunes, 'yan ang maririnig mong sigawan sa Geovanni's Internet Cafe. Kasama ko na naman ang mga katropa maglaro ng paborito naming Online Game, ang LOL(League of Legends).

“Eto na tara”, sigaw ng the best hitter ADR (Attack Damager Range) player ng tropa si Darwin na gamit ang champion na si Lucian.(hitter ADRange/ADmelee-yan ang type ng mga champion na parang hitman ng team siya ang talagang pumapatay , mas masakit ang hitter sa basic attacks nito)

“Jin stun ko sila ah, pasok agad dre”, sabi naman sa ‘kin ng tangke ng grupo si Harley na gamit ang champion na si Amumu.(Tangke/Tank-type ng mga champion sa LOL na matitigas ikumpara sa ibang champions at kadalasan unang pumapasok sa clash o rambol sa totoong buhay)

“Uy Jin CD (cool down) na ULTI (Ultimate skill) mo, yan na lang pag-asa natin manalo hahaha”, natatawa pang sinabi sa kin ng support namin si Geovanni, siya din ang may-ari ng internet café na pinaglalaruan namin gamit niya ang best champion niya si Karma.(Support-ibase sa type ng champion, taga suporta ng team, taga-armor, taga-heal, taga-wards, taga-slow at taga-huli ng kalaban kung kakayanin)

“Mga pre, ready na ko dito”, sigaw naman ni Daniel ang the best farmer sa aming lahat gamit niya ang favorite champ niya si Vi.(Farmer-iyan naman ang kumbaga ang pangsurprise ng team. Early game di mo muna ito makikita, magugulat ka na lang sa kalagitnaan ng laro may  maga-GANK(ambush)sayo)

Napatingin ako sa cellphone ko, 8:47 na, may klase pa kamimamayang 9:00 kailangan tapusin na namin agad tong game.

“Sige sama sama na, lahat MID tapusin na natin to may klase pa tayo”, sagot ko sa kanila ako kasi ang CARRY (taga-buhat ng laro/pinakamalakas sa game) AP kasi ako, gamit ko si Katarina(AP(Ability Power) –mga caster o mage, parang HITTER din sila pero mas malakas ang damage nila sa kanilang skills)

Parang nababadtrip ang pagmumukha ng tatlo sina Harley, Darwin at Daniel.

“Uy, ano yang mga mukha niyo? Huwag niyo sabihing ayaw niyo pumasok,  1st day of school?”

“Dre naman oh, pwede one game pa?  ngayon pa lang kasi ako umiinit eh”, reklamo naman ni Harley.

“Akala niyo naman hahayaan ko pa kayo maglaro pagkatapos ng game natin to”, sagot naman ni Geovanni, by the way siya ang bestfriend ko sa kanilang lahat. Kaming dalawa ang taga-disiplina ng mokong naming mga kasama. Nag team chat si Daniel sa amin.

Dre papasukin ko ang AD nila ah

Agad din akong nag reply

Go ulti ako

Tumahimik na ang lahat, naka-focus na kami sa pipindutin namin sa keyboard at galaw ng aming mouse.

“PASOK NA!!!”

Agad naman sumugod ang Vi ni Daniel, sumunod naman ng Amumu ni Harley. Naka stand by lang sa likod ng clash si Geovanni at Darwin, skill lang ng skill sa kalaban. Ng makita kong ginamit na ni Harley ang ULTI ni Amumu ang Curse of the Sad Mummy….

“JIN PASOK!!”

Agad ko pinindot ag “E” button

Shunpo

Pagkatapos ay “R” ang ULTI ni Katarina

Death Lotus

Dumagundong ang sound effects ng speaker namin sa café.

Ms Otaku & Mr GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon