Maliwanag ang paligid, walang ibang tao o bagay dun puro puting liwanag lang ang nakikita ko. May nakita akong tao sa di malayo parang unti unting lumalapit sa akin. Parang isa yung babae.
"Jin....Jin....Jin", tawag ng babae sa akin.
"Sino ka?", tanong ko naman.
Lumapit lang siya sa akin, di ko maaninag ang mukha ng babae dahil masyadong maliwanag ang paligid. Nasa harapan ko na siya at sinusubukan kong tignan ang mukha niya para kilalanin, gulat ko naman na si Joyce yung babae nakangiti siya sa akin.
"Ikaw?! Anung ginagawa mo dito?", agad kong tanong sa kanya.
Di siya sumagot at niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.
"I love you Jin....I love you", sabi niya sa akin.
"Ano?", muli kong tanong.
"Jin......Jin.....Jin.....Jiiiiiiiin!!"
Nag iiba na ang boses ni Joyce, na ipinagtaka ko naman. Nagulat naman ako na may maramdaman akong masakit sa pisngi ko.
"Jiiiiiiiin......gising na dre!"
Parang boses ni Harley yun, kinusot ko ang mata ko. Pagmulat ko muli ay nawala na ang liwanag sa paligid at nakikita ko na lang ay si Harley na kinukurot ang pisngi ko.
"Grabe ang himbing ng tulog niya hahaha", natatawa pa niyang sabi habang nakatingin kina Geovanni, Darwin at Daniel na nakaupo dun sa sofa sa gilid.
Pinagtitripan pa ko ng loko na to, istorbuhin pa ba ako sa tulog. Unti unti kong kinuha ang isang unan na nasa gilid ko.
"Dre watch this kahit anung gawin ko di nagigising si Jin oh", pagmamalaki pa ni Harley habang pisil niya pa rin ang pisngi ko.
"Ah talaga", sabi naman ni Darwin.
Hinampas ko sa ulo ng unan si Harley hanggang umalis siya sa kama ko, huh, teka kama ko? Lumingon ako sa paligid, naka higa ako sa kama ko na nasa kwarto ko. Natural lang alangan naman ilagay ang kama ko sa kusina di ba hahaha, tanga ko din pala ay kaasar.
"Teka anu pala ginagawa niyo dito sa bahay?", tanong ko sa kanila.
"Kinakamusta ka lang, nag alala lang kami sa iyo dahil sa nangyari kahapon", sagot naman ni Geovanni.
"Ay oo nga pala kahapon..........ano ba nangyari kahapon?", muli kong tanong.
"Nawalan ka ng malay dahil sa matinding shock", sagot naman ni kuya Dennis habang papasok sa kwarto at may bitbit siyang tray.
"Kuya? Dito ka din?"
"Alangan hayaan lang kita pagkatapos ng nangyari kahapon di ba?"
"Grabe ang haba naman ng tulog ko"
Inilagay ni kuya ang tray sa harapan ko, isang bowl ng mainit na sopas.
"So kamusta ang balikat mo?", tanong naman ni kuya.
"Eto, medyo masakit", sabi ko naman.
"Mukhang nawawala na ang epekto ng painkiller na ibinigay ko sa iyo kagabi"
Napalingon ako sa wall clock na malapit sa pintuan, 6:25 na. Agad naman ako bumangon sa kama.
"Ey Jin, where are you going?", tanong naman ni Darwin.
"Maghahandang pumasok sa school", sagot ko.
"Ey relax Jin, alam naman ng mga teachers mo dun ang nangyari sa'yo kaya excuse ka muna sa klase nila ngayong araw, magpahinga ka muna", paliwanag ni kuya.
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?