Habang papalabas kami ni Geovanni sa clinic, tinawag ako ni kuya Dennis.
"Hey Jin! Di mo ba lalagyan ng support ang balikat mo?", tanong ni kuya.
"Ah, no need sagabal lang yan sa galaw ko", sagot ko naman.
Niligpit na lang niya ang mga gamit sa mesa at iniligay yun sa medicine kit. Lumabas kami ni Geovanni habang sinusubukan kong isuot ang sweater ko, pero masakit talaga ang balikat ko di ko maangat.
"Much better not to hurt yourself Jin, huwag ka muna magsuot ng sweater", sabi naman ni Geovanni sabay kuha ng sweater ko.
Napansin ko naman sina Shannone at Elise na nasa likod namin, sumusunod pala sila.
"What?", tanong ko sa kanila.
Tahimik lang dalawa, walang balak sumagot ah. Di ko na lang sila pinansin at lumakad na lang. "Uhhm wait Jin!", biglang tawag naman ni Elise.
"Kanina tinatanong kayo di naman sumagot, ngayon paalis na kami tsaka naman kayo may kailangan", pagrereklamo ko naman, kaasar pang delay.
"Pasensya naman, bakit ayaw mo ipaalam kay Joyce na naaksidente ka?", muling tanong niya.
"Pwede ba wala na tanong, just do it ok?", sabi ko sabay lakad papalayo.
Sa Canteen
Kumakain kaming tatlo, ako, si Geovanni at GF niya si Ellen. Di pa rin ako makagalaw ng maayos dahil sa kanang balikat ko, nanakit pa rin talaga.
"Oh by the way I don't see those three around, where are they?", tanong ni Ellen.
"Paki namin sa kanila, baka nagka hangover", sagot naman ni Geovanni.
Bigla naman napatingin sa akin si Ellen, nakatitig siya sa benda sa kaliwang braso ko.
"And what happened to that?", tanong niya ulit.
"Tsk, pwede ba huwag mo na tong pakialaman?", sagot ko naman.
Bigla naman kinalabit ni Geovanni si Ellen at may ibunulong siya sa kanyang GF. Nagkangitian pa silang dalawa, ano kaya pinag-uusapan nila?
"So I see, naging knight in shining armor ka pala kanina?", sabi naman ni Ellen sa akin.
Inisnob ko na lang siya, sinubukan kong ikabit ang headphones ko sa aking ulo pero di ko maangat ang balikat ko masakit talaga.
"I already told you don't hurt yourself, ako na nga", sabi ni Geovanni habang ikinakabit ang headphones ko.
"Salamat dre", sabi ko naman.
Habang nag se search ako ng kanta sa phone ko laking gulat ko naman na may humampas ng libro sa ulo ko. Sa sobrang lakas natanggal pa ang headphones ko.
"WHAT THE----"
Agad ako tumalikod para tignan kung sino ang may gawa nun. Si Joyce Adelie na naman, sadistang cosplayer na to ah.
"You again?! Para saan naman yun?!", tanong ko sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun?", tanong naman niya sa akin, seryoso ang mukha niya.
"Anong YUN?"
"Alam ko alam mo kung ano yung YUN na yun"
Medyo may nabuong conclusion sa isip ko kung ano ang pinagsasabi niya. Nakita ko din ang mga kaibigan niya, sina Shannone at Elise na nasa likod niya lang nakatayo, sinabi nila siguro hays naku naman.
"So sinabi pala nila sa'yo?"
"Di nila sinasabi sa akin, narinig ko usapan niyo sa labas ng clinic"
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?