Chapter 6: Trouble Breaker

68 2 0
                                    

Nakarating kami sa likurang bahagi ng school, nagulat naman ako na madaming tao na nagtitipon sa isang maliit na building, at puro lang mga babae. Eto na ba yung opisina nina Joyce? Nasa tagong lugar ng school. Inalalayan ni Geovanni si Ellen na umupo sa isang bench, mukhang hinihingal na kasi siya kakatakbo.

"Whooooo, as much as I expected sandamakmak ang fans mo Jin", sabi naman ni Daniel.

"Di to oras na magbiro, ano ba kasi nangyayari?", tanong ko naman.

"Nag-ra-rally.........sila........laban kina........Joyce.........dahil sa.............nangyari sa'yo!", hinihingal na sagot ni Ellen.

"Ok babe, don't hurt yourself", paalala naman ni Geovanni sa GF niya.

Nalula naman ako sinabi niya, talaga? Dahil sa akin? Ano ba namang gulo ito, bigla namang nagsigawan ang mga nagwewelga....

GET LOST JOYCE! GET LOST JOYCE! GET LOST JOYCE!

Kasunod ng malakas na sigawan ay biglang pinagbabato nila ang opisina ng Org, may narinig pa kaming nabasag na salamin. Sana ayos lang si Joyce at mga kaibigan niya, kukunin ko pa naman ang recipe ng rice ball niya. Teka nga nasaan ba sila? Mukhang wala sila dito.

"Oh crap! Guys Joyce is in a big trouble, they're trapped inside!" sabi ni Harley, sabay turo sa bintana ng office.

Nakita ko din dun ang isa niyang kaibigan, si Elise malapit sa nabasag na bintana, nandun din si Joyce.

"So what's the your gameplan, Jin?, tanong ni Geovanni sa akin.

Natigilan ako ng ilang sandali at nag-isip ng maigi, kung game lang ito, nimbus strike lang ni Wukong at ulti agad eh. Kaso realidad na ito, anak ni Roshan oh, huminga ako ng malalim at.....

"Geov, call some back ups!"

JOYCE'S POV

"Ok this is madness, ano ba kasi problema nilang lahat?", naiiritang sinabi ni Elise habang naglalakad malapit sa main door ng office.

Nakaupo lang ako sa isang long table habang ang ibang officers namin ay nagmamadaling chine check ang mga pintuan at bintana kung nakalock. Agad dumating sina Shannone.

"Maayos ang pagkakalock sa mga bintana", sabi niya.

"Nilock ko na rin ang backdoor", sabi ni Aira, ang treasurer ng Org.

"Ano na ngayon gagawin natin?", tanong ni Mailyn, ang assistant auditor namin.

"Let's hope na tumigil na agad sila, at di na magpumilit pumasok dito", sagot naman ni Shannone.

Di lang ako umimik, steady lang ako sa kinauupuan ko. Kasalanan ko tong lahat, baka dahil din sa akin maaaring masaktan ang iba kung kaibigan. Parang iiyak na ako dahil sa nangyari, bigla na lang hinawakan ni Elise ang kamay ko, sinusubukan niya akong pakalmahin.

"So-sorry", sabi ko sa kanila.

Bigla naman ako niyakap ni Elise at napa iyak naman ako.

"Shhhh, it's alright Joyce it's not your fault", sabi niya.

"Kung di dahil sa akin, di kayo........di kayo masasama sa gulong ito", naiiyak kong sabi sa kanya.

Lumapit sa akin si Shannone at pinunasan ang luha ko, lumapit din sa kin sina Mailyn at Aira at yumakap sa akin.

"Magiging maayos tayong lahat Joyce, trust me", paliwanag ni Shannone.

"Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ipaalam ni Jin sa iba ang nangyari sa kanya dahil alam niya ito ang mangyayari", sabi ni Elise.

Ms Otaku & Mr GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon