Ilang minuto lang nakarating kami sa isang maliit na bahay, cabin siya actually. Tumigil kami sa tapat nun. Nagsilabasan na silang lahat sa kotse.
"We're here everyone!", masayang sabi ni Ellen, tuwang tuwa siya, tsk.
"Matagal na din na di tayo bumisita dito ah", dagdag ni Geovanni.
"Oo nga"
TONOINKS!
>.<
"Lang hiya! Sino bumatok sa kin!?"
Hawak hawak ko ang ulo na tumalikod, that annoying cosplayer again. Mabuti ba naman na batukan ako at sa anong dahilan naman kaya?
"Ano na naman problema mong babae ka!?"
"YOU! YOU USELESS GAMER! KASKASERO PA!"
Ay........naninigaw.....parang sound system bunganga nito ah.
"ANG BABAW MO TALAGANG WIRDO KA! PARANG GANUN LANG KABILIS KASAKASERO NA!?"
"MABAGAL PA BA TAWAG MO DUN?! EH HALOS MALAGLAG NA KO KANINA EH!"
"EH DI SANA IKAW ANG NAGDRIVE PARA MABAGAL!"
"SANA NGA AKO NA LANG!"
"ASA KA! BUMILI KA, MAYAMAN DIN KAYO DI BA!"
Ouch.....sakit ng lalamunan ko dun ah. Ano ba pumasok sa ulo at nakipagsabayan din ako sa kanya sa sigawan? In born na ata talent nito sa sigawan eh, effortless. Agad na lumapit sa amin si Ellen.
"So ano tapos na kayo mag-away? And by the way Jin, why here?"
Di ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa loob ng cabin. Kinuha ko ang ID lace ko, sa lace ko kasi ikinabit ang susi ng cabin. Binuksan ko na ang pinto, nagpagpag ng sapatos at pumasok. Umupo agad ako sa sofa na nandun, sumunod na rin ang iba.
"Ahhhh, It's good to be back here", sabi ni Darwin.
"Di na tayo nakakapunta dito since.....uhhhm....", natigilan si Daniel.
Napatingin silang lima sa akin, mga seryoso ang mukha nila. What's with those looks?
"Wow! Are those white chrysanthemums, sa yard?", tanong ni Mailyn, agad siyang tumakbo papunta sa yard na nasa likod ng cabin.
Sumunod sa kanya si Aila. Marahil nakita nila ang mga bulaklak mula sa bintana, makikita kasi ang yard mula sa loob eh. Habang tinitignan ko ang dalawang 1st year students sa yard napalingon ako sa iba ko pang mga kasama. Nagtaka naman ako bakit parang takot na takot silang lima.
"Alam niyo kanina pa kayong lima, problema niyo?"
Di sila sumagot. Naibaling ko naman ang tingin ko sa tatlong babae na nasa likod ng mga kaibigan ko.
"Dito na muna kayo magstay habang di pa kayo tinitigilan sa school, malapit lang naman to mula dun", paliwanag ko sa kanila.
"Di na ba niyo ginagamit ang cabin na to?", tanong ni Shannone.
"AAAHH AAH AHAHA! Di na matagal na!", sagot ni Harley, parang gulat na gulat naman siya.
"Kung matagal niyo ng di to nagagamit bat organisado pa ang mga gamit dito, at malinis din?", tanong ni Elise.
Napatingin naman silang lahat sa paligid ng cabin, ngayon lang ba nila napansin na maayos ang loob ng cabin. Well nilinis ko kasi ang cabin this past few days.
"At isa pa, fresh pa ata tong bulaklak", dagdag pa ni Joyce.
Nakatayo siya sa harap ng mesa na may nakalagay na chrysanthemum sa isang vase, may picture frame din dun sa mesa. Kinuha ni Joyce ang picture frame, tinignan niya yun at lumingon ulit sa amin.
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Fiksi RemajaIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?