'Medyo natigilan ako sa tanong niya ah, what’s the catch? Yan din yung sinabi ko kay Harley kanina. So kanina pa pala sila diyan?
“Meron ka bang problema sa amin Mister?”, muling tanong ng babae, ah I mean ni Joyce.
“Oo nga, the way you insult us”, sabi naman ng isa niyang kasama.
Ok medyo nakakaramdam ako ng kaunting nerbyos sa mga titig ng tatlo sa kin. Bakit kasi pinagsasabi ko pa yun eh, nakakabwisit naman ito.
“Whoa whoa lets chill ladies, medyo mainit tayo ngayon hahaha well I mean you’re hot, hi name’s Harley West”, biglang paningit sa usapan ni Harley. At sumunod pa ang iba.
“Darwin Santos, my pleasure to meet you”, pa good boy na bati ni Darwin.
“And I’m Danniel Cortero you could call me babe for short”, isa pang epal na Danniel puporma din eh.
“Geovanni Arnalde”, sabi naman ni Geovanni.
“Nice to meet all, I’m Joyce Adelie”, ngumiti siya sa kanilang apat.
“Hi, Shannone Brooks”, pakikilala din ng isa.
“I’m Elise Dominguez”, sabi naman ng isa sabay pa cute.
So ano na to? GTG? Wew ha, parang magtropa na sila eh. Napalingon silang lahat sa kin.
“Oh anung tinitingin niyo sa kin?”
“Di ka pa magpapakilala dre?”, tanong ni Darwin.
Huh? Bakit naman ako magpapakilala sa mga wirdo na yan? Close ba kami?
“Juan de la Cruz from Quiapo”, pabiro kong sinabi sa kanila.
Nakita ko ang itsura nila, mukhang napikon sila sa sinabi ko. Masama din ang tingin ng tatlo sa kin, habang si Geovanni parang natatawa pa ata sa akin. Hinarap ulit ni Harley sina Joyce.
“Pag pasensyahan niyo na kaibigan namin ah, medyo mainit kasi ngayon eh kaya ganyan yan hahaha. By the way he is Jin Alvarez.”, paliwanag niya sa kanilang tatlo.
“So you’re Jin Alvarez, isa sa mga founder ng Cosmo Riot Gamers”, paliwanag naman ni Elise.
Aba alam niya ang team ko.
“So you know me and our team”
“Of course, isang grupo ng mga gamers na sikat na sikat sa buong campus. They say, no one could defeat the founders of that group in any computer game, especially, Massive Multiplayer Online Role Playing Games o MMORPG. I wonder who are the other founders of that team besides you”, dagdag pa niya.
“PRESENT!!”, sabay na sabi nilang apat.
Mukhang gulat na gulat si Elise sa narinig niya, fan din ata siya ng team namin.
“Teka bakit dami mong alam tungkol sa CRG?”, tanong ko sa kanya.
“Ang iba kasing member ng Org namin pinag-uusapan kayo palagi”, sagot naman ni Shannone.
“So you’re those famous gamers, hmm I wonder kamusta naman kaya performance niyo sa school”, pang-aasar na tanong ni Joyce.
“Ewan ko sa kanilang tatlo, pero kami ni Geovanni walang flat two”, agad na sagot ko naman, akala ata ng babaeng to porket gamer tatanga sa pag-aaral ano?
“Bakit pa kasi kinakausap pa natin ang mga tao na yan”
Nagsimula na ako lumakad papalayo.
“Hey! Di ka man lang ba mag aapologize?!”, sigaw ni Joyce sa kin.
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?