"Hoy Daniel barilin mo yung Ustanak, wag puro stun rod ano ka ba? Daming bala ng magnum gun mo eh!"(Ustanak-isang zombie boss sa game na Resident Evil 6 sa story campaign ni Jake Muller at Sherry Birkin)
"Tumahimik ka nga parang bakla eh, ang sabihin mo di mo to matalo gamit lang ng melee attacks, mabuti pa si Jin kaya niya tong talunin mag-isa gamit ng melee attacks ni Jake"
"Purpose ng mga baril sa inventory?!"
Nagbabangayan pa sina Daniel at Harley habang naglalaro ng Resident Evil 6 sa PS3 ko sa bahay, ganyan talaga sila kapag 2P cooperative games, nagtatalo. Namasyal silang lima sa bahay, kasama si Ellen kaya lima, wala kasi si ate Cyndi kaya dito muna sila tumambay. Naka-upo sina Harley, Darwin at Daniel sa sofa na nasa harap ng tv, habang kasama ko sina Geovanni at Ellen na nasa right side lang nilang tatlo.
"SHERYYYY!", sigaw ng protagonist sa game na si Jake, ang character na dinadala ni Harley.
"Langya naman dre oh, ayaw mo kasi makinig eh ayan tuloy balik tayo sa checkpoint", reklamo ni Harley, namatay kasi ang character ni Daniel na si Sherry.
"Kung tumulong ka kasi kanina kaysa magreklamo eh di sana tumba na yung Ustanak, nerves ka din eh", sagot naman ni Daniel.
"Dre, kahit anong gawin mo di mo kayang gayahin si Jin"
"Palit kaya tayo iyo Sherry akin Jake, tanga ka naman gumamit sa kanya eh"
"Ayoko nga, wag mo sisihin sa akin katangahan mo"
"Wow ako pa, noob ka kasi hahaha, Jin paabot ng extrang rice balls diyan oh"
Wow inutusan pa ko, feeling home ang lokong to eh. Sinubukan kong lutuin kasi ang rice ball na ibinigay sa kin ni Joyce nung isang araw.
"Abutin mo, ikaw kakain di ba?", sagot ko.
"Pasuyo lang eh, kaw naman", sabi niya habang inaabot ang bowl na may rice balls.
"Hoy Daniel! Magpunas ka bago humawak sa controller ha", paalala ko sa kanya.
"Opo boss!"
Pagkatapos nilang tatlo na makakuha ng tig-isang rice ball ay kinuha ko ang bowl at kumuha din ng isa, agad ko yung sinubo. Di ito kasing sarap ng niluto ni Joyce pero may pagkakahawig na rin sa lasa. Napalingon naman ako kay Ellen na sweet na sweet na sinusubuan si Geovanni ng niluto kong pagkain.
"Di naman kaya mahigitan niyo pa love story ng mga magulang niyo sa ginagawa niyong yan?", tanong ko sa kanila.
"Inggit ka? Magsyota ka na rin kasi", pangaasar naman sa kin ni Ellen.
Bigla naman siya hinawakan ni Geovanni sa kamay at hinila, parang pinipigilan siyang mang-asar sa akin. Naging seryoso naman si Ellen.
"So-sorry Jin", sabi niya.
"Hm?"
Tahimik silang lahat, na ipinagtataka ko naman.
"Uhh by the way, saan ba si ate Cyndi?", biglang tanong ni Darwin.
"Ewan ko eh, di siya nagsabi siguro pinuntahan niya lang ang tita niya sa kanila", sagot ko.
Kinuha ko ang juice sa mesa, at pagkatapos ay sumandal ako sa sofa. Inubos ko na ang natitirang pagkain na nasa kamay ko, inubos ko din ang juice at inilagay yun ulit sa mesa.
"By the way, na inform niyu na ba ang ibang members natin tungkol sa meeting bukas?", tanong ko sa kanila.
"Ah hah? Yun ba? Ay oo tapos na", natatarantang sagot ni Ellen.
![](https://img.wattpad.com/cover/10502797-288-k875147.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?