Nakaupo ako ngayon sa upuan sa loob ng classroom, nakapatong ang siko ko sa armchair at nangangalumbaba. Senyales na ng boredom, nakakaantok na kasi maghintay ng susunod na klase. Napatingin ako sa pintuan ng makapasok si Geovanni na may dalang dalawang cup, inabot niya sa akin ang isang cup na hawak. Iced coffee, eto kasi ang pantanggal ko ng antok mga malalamig. May inabot pa siya sa akin isang maliit na box ng 'salonpas', nagtatakang tinignan ko yun.
"Huh?"
"Para yan sa tuhod mo"
Ininom ko ang kape at inilapag muna ang cup sa armchair, yumuko ako at itinaas ang dulo ng pantalon ko hanggang sa tuhod ko. Namumula ang tuhod ko, ang hapdi pa nun.
"So, sasabihin mo na ba sa akin ang nangyari diyan?", tanong ni Geovanni.
Binuksan ko ang box ng salonpas at kumuha ng isang sheet, at inilagay yun sa tuhod ko. Itinaas ko din ang kabilang dulo ng pantalon ko at tinapalan ang kabilang tuhod ko. Inayos ko na ulit ang pants ko at sumandal sa upuan, kinuha ko ang kape at muling uminom.
"Si ate Cyndi", sabi ko.
"Huh? Bakit? Ano naman ang ginawa mong kalokohan?", tanong ulit niya.
Tinignan ko lang siya ng masama.
"Talaga bang tinatanong mo pa?"
"Malay ko naman, ano ba kasi?"
"Pinagalitan niya ako dahil pumunta ako sa puntod ng kapatid niya"
FLASHBACK
Wala ako sa sarili ng makabalik ako sa bahay mula sa beach house, bahagya kong binuksan ang pintuan at pumasok. Nakita ko kaagad si ate Cyndi na nakaupo sa gitna ng sala at halatang hinihintay niya ako, may malapad na tela na nasa sahig malapit sa kanya.
"Saan ka galing?", tanong ni ate Cyndi.
Bad mood ako, di ko lang siya pinansin at lumakad ako sa hagdan.
"Sa puntod ba ng kapatid ko?"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya. Si Sylvi ang kaisa-isahang nakababatang kapatid ni ate Cyndi, need her full name? Cyndi Lee Morien. Ng malaman ni ate Cyndi ang nangyari sa kapatid niya buong akala ko kakasuklaman niya ako, pero kabaliktaran ang nangyari. Patuloy pa din siya sa trabaho niya na pag-aalaga at pagbantay sa akin. Di tulad sa ko, naka-move on na siya sa pagkamatay ng kapatid niya.
"Kumain ka na?", muli niyang tanong.
Di ko siya pinansin patuloy pa din ako sa pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
"HUWAG MO AKONG DAAN-DAANAN NG PAGKA-BAD MOOD MO JIN, BUMABA KA DITO NGAYON NA!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla siyang sumigaw, dali dali naman akong bumaba ng hagdan, at tumakbo sa harapan niya. May kinuha siyang isang magabang bagay na nakasandal sa kanyang upuan, nababalot yun ng lumang tela. Tumayo siya at tinanggal ang nakabalot dun, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang hawak niya...
...
...
...
...
...
...
...isang katana.
"A-ate.....para saan po yan?", tanong ko.
"Hubarin mo ang pantalon mo", sabi niya.
"Ahhh?! Pe-pero....naka-boxers lang po ako"
Bigla niyang binuksan ng bahagya ang katana mula sa lalagyan nito , dahil sa sobrang takot ko dali-dali kong tinanggal ang belt ko, binuksan ang zipper, tinanggal ko din ang sapatos ko at ibinaba ang pantalon ko at inihagis yun kung saan. Bahala na walang hiya-hiya, basta di ako makatay ni ate Cyndi. Yumuko siya at inalis niya ang malapad na tela sa sahig, tinatakpan pala nun ay isa pang tela na may nakakalat na monggo. Nagtatakang tinignan ko yun.
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?