Chapter 9: At the beach house

47 0 0
                                    

"Joyce, welcome to White Chrysanthemum Beach house"

White Chrysanthemum? Wait....chrysanthemums? Merong ganung chrysanthemums sa cabin ah. Tinignan ko lang silang dalawa na pumasok sa bahay. Sumunod lang ako. Medyo maliit ang bahay, parang kubo ang design. Gawa kasi yun sa iba't-ibang kahoy pero kadalasan kawayan ang ibang parte ng bahay.

"Ipinagawa ito ni Jin para kay Sylvi", kuwento ulit ni Ellen sa akin.

"Mahilig ba si Jin sa chrysanthemums?", tanong ko sa kanya.

"Actually si Sylvi lang ang mahilig sa ganung mga bulaklak, nahawaan lang niya si Jin"

Naglibot-libot pa kami sa loob ng beach house. Kumpleto ang mga gamit dito sa loob. May sala set, kaso walang lang TV, kumpleto naman ang gamit sa kusina. Meron ding dalawang bakanteng kwarto. Napatingin naman kami ni Geovanni kay Ellen ng sunod-suod na mag beep ang phone niya.

"Di nila nakita si Jin", sabi ni Ellen.

"We got him cornered then", nakangiting sabi naman ni Geovanni.

May napansin naman ako na pintuan na malapit sa kusina, katabi ng pinto may bintana. Lumapit ako dun at sumilip sa bintana. Dumukwang ako ng kaunti sa bintana at lumingon sa paligid, at may nakita ako. Isang itim na motor bike, motor ni Jin.

"Ellen! Dito!"

Tumayo agad ako ng maayos at binuksan ang pinto. Tumakbo ako papalapit sa naka park na motorsiklo, sumunod naman sa akin ang dalawa.

"Nandito nga siya", sabi ni Ellen.

"Ano naman ang ginagawa niya dito?", tanong ko naman.

Di sila sumagot, nakatitig lang sila sa batuhan. Sinenyasan lang ako ni Ellen na sumunod, tumango lang ako at nagsimulang maglakad. Ng makarating kami sa batuhan, may nakita akong tao na nakahiga sa isang malapad na bato, para bang natutulog. Nilapitan pa namin, si Jin.

"Anong ginagawa niya diyan? Ba't dito siya natutulog?"

Malapit naman sa hinihigaan niya ay isang malaking bato. Marami yung butas na nalalagyan ng mga kandila. At may malaking butas sa gitna, kung saan nakalagay ang isang picture frame.

.......

.......

.......

Na may picture ni Sylvi.

May nakita din akong lapida na malapit sa paanan ng malaking bato. At may nakasulat:

SYLVIN JANE MORIEN

BIRTH: SEPTEMBER 11, 1995

DEATH: OCTOBER 8, 2010

Napalingon naman ako sa natutulog na si Jin. Mapapansin na basang basa ang pisngi at mata niya, kanina pa siya siguro umiiyak. For two years, di pa rin niya kinakalimutan si Sylvi. The pain is still with him.

"Poor Jin", sabi ni Ellen habang nalulungkot na tinitigan si Jin.

"I hope we could help him move on"

"You are already helping him", sabi naman ni Geovanni.

Napatitig naman ako sa kanya pagkasabi niya nun. Nakangiti namang tumingin din siya sa akin. Tumawa lang siya at kinuha ang kanyang phone.

"Tatawagan ko lang ang iba", paalam ni Geovanni at umalis.

"Wait sasama ako", sigaw naman ni Ellen.

Bago pa siya tumakbo papalayo lumingon siya muna sa akin.

"Please paki-bantay muna kay Jin"

Di naman ako nakasagot dahil sumunod na siya kay Geovanni. Napalingon naman ako ulit kay Jin. Napa-buntong hininga ako.

Ms Otaku & Mr GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon