7:30 ng umaga dumating ako sa internet cafe ni Geovanni sakay ng motor ko, agad ko yun pinark sa likod ng cafe. Napadaan ako sa entrance ng cafe nakita ko si Inah na nasa cashier nilapitan ko siya para isauli ang lalagyan ng cookies na ibinigay niya kahapon.
"Good morning Inah, by the way eto oh", bati ko sa kanya sabay abot ng lalagyan.
"Did you like it?", tanong naman niya.
"Simot na simot kaya yan"
"Hahaha, ay oo nga pala nauna na dun cuz sa school niyo"
"Napansin ko nga eh, ah sige i got to go see ya"
Agad na ako tumakbo sa kabilang kalsada papasok sa gate ng school. Madaming tao sa school grounds kaya medyo nabagalan ako papunta sa locker room. Pero laking gulat ko naman na maraming bumabati sa akin, lalo na mga babae, bakit naman kaya?
"Hi Jin", sabi ng isang babae, ngumiti lang ako sa kanya.
"OMG, h-hi", sabi naman ng isa, nag hello naman ako.
"Good morning Jin", sabi din ng isa sa tabi, ngumiti ulit ako.
"Hi papa", sabi naman ng isang bakla sa kin, wew.
"Heh tigilan mo ko", sagot ko naman, nagmamadali ako eh kulitin pa ba.
Mabuti naman nakarating na ako sa locker room, agad ko binuksan ang locker ko at kinuha ang mga kakailanganin kong mga libro. Mabilis ko din ito isara at ni lock. Napatingin ako sa relo ko, naku naman 7:51 na kung di agad ako nagmadali late ako. Nagmadali akong umalis pero.....
BAM!
May bumangga sa akin, natumba kaming dalawa at nahulog ang mga bitbit naming libro. Agad naman akong bumangon at pinulot ang dalawang libro sa sahig, inabot ko ang isang libro sa nakabangga sa kin. Napansin ko na naka suot siya ng mini skirt na light blue at may lining na neon blue, so agad kong naisip na babae pala ang nakabangga sa kin. (obvious naman di ba? Naka skirt eh)
"Sorry, sorry", nagmamadaling sinabi ko.
Pagkatapos ay tumakbo na ako papalayo, di ko man lang inalam kung ayos lang ang babae sa sobrang pagmamadali. Mabilis akong tumakbo sa hallway, wala namang tao kaya full speed ako. Nakita ko ang hagdan kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo, pero muling nahulog ang libro kaya tumigil ako para pulutin yun. Pero...
BAM! (na naman)
May bumangga na naman sa akin, wew naman dalawang beses talaga. Nakasandal sa akin ang taong bumangga sa kin.
"Ouch.....clumsy ko talaga pangalawa na to, sorry sorry", sabi niya.
Boses babae napaisip din ako na baka siya yung nakabangga sa akin sa locker room, sumusunod ba siya sa akin? Tinignan ko ang babae, lumayo siya sa akin at inayos ang blue niyang buhok na naka pony tail sa magkabilang gilid. Teka.....blue na buhok?.......meron ba nun? Di ko na lang siya pinansin, pinulot ko na ang libro ko at agad na umakyat sa hagdan. Habang mabilis na umaakyat ako sa hagdan dinig na dinig ko ang malakas na yapak ng sapatos sa likod ko, aba stalker ata to ah. Di ko na lang pinansin mabilis pa din ako lumakad papunta sa room 2C pagkalampas ko sa hagdan. Ramdam ko pa din na mabilis na sumusunod ang babae sa akin, kaya agad akong tumigil sa paglalakad. Kaya.....alam niyo na ata ang susunod na mangyayari...
BAM!
Bumangga ulit sa akin ang babae.
"Ow, naman, sinadya na ata yun eh, what's your problem mister?", galit na tanong ng babae.
Unti unti akong tumalikod para harapin siya.
"Tell me, stalker ka........."
Natigilan naman ako sa nakita ko, ang wirdo na naman. Si Joyce.
BINABASA MO ANG
Ms Otaku & Mr Gamer
Teen FictionIsang girl na Otaku forever.. Isang lalaking certified gamer... ano kaya ang magiging lovestory nila?