MANIC LOVE

59 3 6
                                    

Hindi kita iniwan...

Kusa kang lumayo ng di ko namamalayan...

Hindi kita iniwan...

Pilit kang kumawala mula sa aking kamay na iyong tangan.

Hindi kita iniwan...

Paulit ulit kong sasambitin ang katagang yan hanggang sa iyong mga tenga'y wala ng maulinigan.

Hindi kita iniwan...

Mula ng humayo ka, ako'y nanatiling naghihintay sa iyong muling pagsilay...

Mahal? mahal??

Mahal, ang salitang huli mong binitawan...

Musika sa tenga kong paulit ulit kong pinakikinggan...

Mahal...mahal...mahal....

Kelan ko ulit mariring mula sa iyong labi?

Kelan muling malulunod sa matamis mong mga ngiti...

Mahal...mahal...

Naghihintay ako, naghihintay ako sa muli mong pagbabalik...

sa muli mong pagkapit sa nanginginig kong mga bisig

Sa muli mong pagsambit ng pangalang ubod ng tamis...

Kelan ka babalik??? Kelan???

Kailan ang panahong ako ay matatauhan?

Mga panahong ng paghihintay ng walang kasiguraduhan...

Mga panahong magigising ako mula sa aking pagbubulagbulagan...

OO wala ka na!! Wala ka na...

Kailangan kong tanggaping wala ka na...

Na di ka na babalik at nasa piling na ng iba...

Na ika'y nakalimot at ako'y isa na lamang guhit sa iyong alaala...

Kailan...kailan...

Kailan kita malilimot??

Kailan magtatapos ang patuloy na pagyapos,

sa walang kasiguraduhang SANA.

SANA...

Kahit sa panaginip ko ika'y magpakita...

Sana...SANA...

Kailan kaya???



THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now