LIBO

22 3 1
                                    

Wag mong babasahin to kung ayaw mong mahilo...LIBO!

LIBO

Isa dalawa…
Tatlo gang bente pa…
Umabot ng sandaan…
Dalawangdaan at higit pa…
Sakto dumami hanggang libo…

Libo…
libo…
Libo…tatlong zerong kasunod ng isa…
Parang akong nakasunod sayo habang nakatalikod ka…
Tatlong buong taong pilit sinusundan pa ng isa….

Libo…
Kasunod ng syam na raan syamnapu’t syam…
Syam na raan syamnapu’t syam na nakulangan ng isang piraso…
parang ako ng bglang iwan mo na nakulangan at dna buo…

Libo…
Madami, di mabilang sa kamay…
Kahit isama mo paa di kayang umabot sa kahit mala octopus pa iyong galamay….
Madami…
di mabilang…
tulad ng pagmamahal kong umaapaw sa sobrang dami dko na maipon at di mo na din masalo….

Libo…
Nagsimula lang naman sa isa.
Isa na sana di mo na sana nireplyan pa.
Isa na sana dna ako lubusang umasa…
Isa…
isang sagot sa tanong mong d pinag isipang maibulalas ng magtanong ka…
Isa…
isang libo…

Libo…
Masaya na sana ako sa tatlo kaso nasundan pa hanggang libo…
Sino di matutuwa kung nanghinge ka ng isa libo balik sayo…
Masaya…
Sobrang galak ng pusoq parang nung una kitang Makita!!!!
Yung unang tingin at unang sulyap…
Na ngayon itinuon mo na sa iba…

Libo…
Umasa ako na babalik ka ngunit wala din pla…
Libo…
tatlong zero kasunod ng isa…
Parang ako na gang ngayon umaasa pa…
Parang ikaw na tumalikod sa akin at biglang dumistansya.
Libo…
Parang ikaw…
Na Parang ako!
Libo!

~~020518~~
~~inertzone~~

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now