kung sakali lang...
kung sakali lang naman...
huminto bgla ang ulan...
at tayong dalaway naiwan...
sa gitna ng daang puno ng kalungkutan..
nalunod sa baha ng nakaraan...
di makaahon sa kinatatayuan...
kung sakali lang naman
na muli tayong nagkatagpo.
bitbit ang payong na pula.
naglakad ka.
sinundan kita!
kung sakali lang naman
lumingon ka kahit sandali
baka sakaling maibsan ang patak ng ulang dko mawari
isukob sa payong na iyong tangan.
habang dumadalisdis ang mainit na likido sa aking pisngi ng marahan.
kung sakali lang naman.
akoy iyong sinabayan.
iwan ang payong at tuluyan ng sumayaw sa musika dulot nag uunahang patak!
makipag ah ulan sa tadhanang walang kasiguraduhan...
baka sakali lang naman.
di ako nagmamadali
ako ay naghintay.
baka sakali lang naman
tumila na ang ulan ng tuluyan...---inerzone---
080518
YOU ARE READING
THE SCRIPTS
Poetrybroken thoughts, weeping pen, blotted space and crooked maze......