MASASANAY KA DIN

19 2 4
                                    


Masasanay ka din sa katotohanang di kna may hawak ng kamay nya.
At me iba ng may ari ng kamay nyang dati mong tangan.
Masasanay ka din na sa bawat pagpikit ng yong mga mata naiisip mo sya...
ngunit sya kahit sa hinagap dka na maalala.
Matatanggap  mo din na yung kapeng tinimpla lumamig na kasi walang iinom sa tabi mo dating mainit at umaalab pa.
Masasanay ka din ngayon sa nakakabinging katahimikan.
Na dating binalot ng matinis at malamusikang tono ng salitang MAHAL KITA.
na ngayo'y napalitan ng mapait na kakatohanang WALA NA SYA!
Masasanay ka din na nagbigay ka ng buo ngunit sukli sayo kalahati na nga me amag pa.
Masasanay ka din maglakad sa madaming tao. Natisod, nadapa ngunit walang umalalay para makatayo ka.
Masasanay ka din sa katotohanang sya'y bumitaw na ngunit patuloy ka pading kumakapit sa kawalan..

Masasanay ka din...
MAPAGOD...
MAKALIMOT...
Msasanay ka din...

09.14.18

09.14.18

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now