mga letrang di lang nangungurot...
mga banat na nakakadurog...
me pahaging me hugot...
bawat tipa me sipa...
unti unti kang malulunod...
sa lalim ng salitang hango hindi sa kawalan ngunit sa kanila mismong kamalayan...
subukan mong umahon...
tengang mabibingi ng salitang pilit mong ibinabaon...
di sila perpekto...
letrang sila mismo may konsepto...
di sila nagtatago...
sa matamis na salitang nakakubli sa kasinungalingan at duwag na paniniwala.
matapang maituturing...
ngunit pinanghahawakan lang ang sarili nilang daing...
daing ng mundong walang mangahas magsiwalat...
daing na tinatago ng iba sa kanilang mapait na ngiting araw araw nilang kinakalat.
di nila ininda ang pangungutya...
kung ang kapalit naman nito ay ang kalayaang maibahagi ang kanilang katha...
hindi sila perpekto...
nais lang nilang ibahagi mga bagay na madalas nating itago!
hindi sila perpekto...
kung nakukuha mo bawat sipa ng kanilang Intro malamang paniniwala mo'y unti unting magbabago...
hindi sila perpekto...
ngunit sila ang dahilan kung bakit nagluluha pluma ko ngayon at unti unti dumadaloy mga linyang binubuo...
hindi sila perpekto...
nagkakamali...
ngunit natututo..
hindi sila perpekto...
Ngunit sila aking iniidolo!---inertzone--
--neon052817--
YOU ARE READING
THE SCRIPTS
Poetrybroken thoughts, weeping pen, blotted space and crooked maze......