Nakalimutan ko...
Pwede mo palang ulitin ang palabas.
Me iba pa palang pwedeng panoorin...
Me bagong upuan pa palang naghihintay sa akin...
Sabay YES! ng malakas, At ngiting waging wagi talaga.
Me iba pa...me iba pa pala,
masyado lang akong nagmadali, nakalimutan ko na.
Uumpisahan ko ulet, mula sa simula.
Kung paano matatapos bahala na...excited na ako talaga.
Bumalik ako, pumihit ng lakad pabalik.
Ayun me bakante pa, sakto ganda ng pwesto...
Napaisip tuloy ako,
Bakit pa ba ako nagtyaga sa ganito?
Bakit ko hinintay mabakante? pwede namang maghintay sa bahay, may mga downloadables naman dba?
Pero hindi, mas maganda pag naghihintay ka...
Maghihintay ako hanggat sa me bakante pa.
Na kumportableng upuan na di magrereklamo gaano ko man katagal maukupa.
Tangan ang pop corn at inumin na lagi kong kasama.
Maghihintay ako...
Hanggat ang mga puwang ay mapunan...
Hanggat ang mga espasyo'y unti-unitng sumikip hanggang sa di na madaanan.
Maghihintay ako..
maghihintay ako hanggat sa ramdam kong di na ako nagiisa.
Mas magandang tumawa ng me kasama...
mas magandang umiyak pag me katabi ka.
Mas magandang kiligin ng me dka nag iisa..
Kahit di mo kilala,
Kahit doon mo lang nakatabi sa harap ng pelikula,
kahit doon mo lang sya nakasabay tumawa, kiligin at umiyak pa.
Kahit doon mo lang sya makakasama...
Maganda ba pelikula?
Tara nood tayo ulet mula sa umpisa.
Ayos lang makipila...
Basta...
MAKATABI ULET KITA! ❤❤❤❤❤
---neon103016---
YOU ARE READING
THE SCRIPTS
Poetrybroken thoughts, weeping pen, blotted space and crooked maze......