mian....

20 2 1
                                    


Nasobrahan ata ako kay JUSTIN B.
Limot ko na magkaiba pala tayo.
Diko nakita dinaanan mo.
Doon kasi ako dumaan sa kabilang kanto.
Naglakad ka ng dahan dahan...
Ako naman tumakbo hanggang sa pagpawisan.
Paumanhin di ko sinadyang ikaw ay iwan.
Magkaiba tayo ng direksyon.
Di mo ako naabutan.
Madali akong nakalimot.
Habang ikaw hanggang ngayon naiwanan.
Di tayo nagkasabay.
Wala akong karapatang sigawan ka kung ikaw ay mabagal.
Di tayo nagkasabay,
Di kita pwedeng sisihin kung ikaw ay natisod habang dumaraan.
Di tayo nagkasabay.
Sugatan kna nga pero patuloy ka pa din sa paglalakbay.
Di tayo nagkasabay.
Nasugatan din ako pero kaya ko padin magyabang.
Di tayo nagkasabay.
Huminto na...
Ikaw tuloy tuloy pa din...
Naglalakad...
Tumatakbo...
Nasugatan...
Nasasaktan...
Di ka pa din sumusuko.
Di tayo nagkasabay...
Paumanhin...
Di kita nasabayan...
Di ko kayang sabayan...

11.23.16
---neon---

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now