KASI NGA TAPOS NA...

34 2 1
                                    


Excited na ako kasi matatapos na...

Lalabas na ng sinehan kasi nga ang palabas nag roll the credits na...

Excited ako kasi nga tapos na sya...

Lumabas na ako kasi nga tapos na...

Bakante na upuan kasi nga umalis na...

Nagligpit na ng gamit kasi nga paalis na...

Di pwedeng magiwan ng kalat baka masita...

Dahan dahan nang tumayo at naglakad palayo...

Kasi nga tapos na...

Pero di pa pla...

Me kasunod pa...

Me karugtong pa...

Di ko na nahintay, kasi nga excited ako kasi nga tapos na...

Binalikan ko pa siya kaso tapos na talaga...

Yung totoong roll the credits ang biglang bumulaga...

Babalikan ko pa sana kaso ukupado na...

Yung bakanteng upuan me nakaupo na...

Papaalisin ko sana kaso wala na ring use kasi nga tapos na...

Buntong hininga nlang kasi nga tapos na...

Sayang dko na naabutan ang katapusan kasi nga...

Excited akong lumabas kasi nga tapos na...

Pwede ko pa bang simulan ulit kahit natapos na?

Pwede bang magsimula ulet mula sa umpisa?

Pwede pa bang maupo sa dati kong upuan at magumpisa?

Pwede pa bang excited ako ulit kasi maguumpisa ako ulet mula sa simula?

Pero hindi na pwede...

Ukupado na...

Tapos na oras na nilaan sa akin ng upuang yun...

Kasi nga tapos na...

Di na ako pwedeng bumalik kahit gusto ko pa...

Kasi nga tapos na...

Tapos na ang palabas...

Di na pwedeng panoorin ulet...

Kasi nga tapos na...

Di na pwedeng maupo ulet...

Kasi me nakaupo nang iba...

Me katabi na syang iba...

KASI NGA TAPOS NA!

---neon102816--

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now