NBS

22 1 1
                                    


Habang ang iba nangongolekta ng librong harry potter at lord of the rings...
Aq nangongolekta din ng libro.
Libro na me kababawan ang tema.
Librong ang nais lamang ay ako ay mapatawa.
Opo kolector aq ng librong mababaw...
Dahil ako'y taong mababaw ang kaligayahan.
Habang sila'y nagpapakalunod sa lalim ng tema ng librong dko maintindhan.
Pinili kong mangolekta ng librong lubos kong maiintindhan
Librong magpapakita ng tunay kong nararamdaman.
Librong magpapamulat sa katotohanang sa mundo ang monster at ang mga villain ay tanging ating sarili lamang.
Librong magbubukas ng pinto patungo sa realidad na di lahat ng oras me genie tayong pwedeng tawagin at ang bawat nating hiling pwede nating hingian.
Librong totoo.
Librong dka malilito
Librong magiging inspirasyon mo.
Librong parang pang kanto ang gamit na salita.
Librong ung iba di nga kilala ang may gawa.
Mababaw ang tema.
Di masyadong sosyal ang halaga.
Payak ang itsura
Maliit ang pahina.
May lalim ang bawat kataga.
Me kurot ang bawat linya.
Me sipa sa bawat tipa.
Mababaw.
Payak.
Maliit.
Malalim.
Ako.
Ang librong bnabasa ko. 😊

#neonwrites
#inertzone
11.26.16
---neon---

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now