JUSTIN B.

31 1 3
                                    


Di ko maiwasang tumaas ang kilay...
Ang umirap at kumunot ang noo sa iyong katangahan
Anung sagot pa ba ang gusto mo't
Paulit ulit kang nagtatanong ng walang katapusan...
Dpa ba sapat ang harap harapang pagpapamukha sayo ng iyong katangahan???
Gusto mo bang iuntog ko yang ulo mo na kasing tgas ng yelong ilang araw na sa freezer at hinango kanikanina lang???
Gusto mo bang sampalin kita ng paulit ulit ng salitang TAMA NA. PAGOD KA NA TUMIGIL KA NA!! MAAWA KA!
Isang suntok sa ego mong dmo matanggap na natalo ka...umasa ka. TANGA KA...

Tadyakan kaya kita ng isahan lang.
Ung tipong lilipad ka sa lakas at matatangay ng hangin sa kalawakan...
Nang malaman mong dlang pla sya tao sa earth meron pa din plang IKAW..
Sarap mong ihagis sa mars at hayaang maglakbay doon ng pangmatagalan...
Maisip isip mo naman sana na di lang sa earth nakatira alien na katulad nya...
Kahit sa outer space pla makakakuha ka...

Wag ka mag inarte...
Habang nag eemote ka lalo mo lang pinapalakas loob nya at isiping tamang iniwan ka...
Wag mong pakitang mahina ka. Di lang xa rare specie sa mundo sa outer space meron pa.
Bakit parang nawalan ka ng earth ng titirhan at ngayon palaboy laboy na???
Tanga ka ba te... Dka nag iisa.

Wag mo isiping dka appreciated kasi lalong dka papahalagahan...
Dahil bago mo isipin at hingin ang pagpapahalaga mula sa ibang tao...minsan natanong mo na ba???
Sarili mo ba napahalagahan mo na kahit minsan man lang mula ng nakilala mo sya..

Tanga ka ba o talagang tanga ka???
Oo paulit ulit kong sasabihin sayo yan hanggat marealize mong tanga kang talaga.
Paulit ulit kitang bibigwasan ng suntok gang sa matauhan ka.
Wag ka mgdrama te wala tayo sa koreanobela. At nagkataong naging parte ka ng drama naku day d man lang kita papanoorin talaga.
Pathetic ba tawag dun?? Oo ganun ka. Imbes na hanapin mo sarili mo hinanap mo iba.
Asan mapa mo bat nawawala ka? Tawagin mo nga si Dora baka sakali samahan ka nya.
Nawawala??? Anu un smart phone gamit mo me google map dba?

Iniwan ka. Nasaktan ka. Pinagpalit ka. Ngayon mag isa.
Ilang milyong tao bang nasa earth, tingin mo ikaw lang mag isa ganyan ang nadarama?
Matuto ka kasing tumingin sa mga bagay na nasa paligid mo...
Matuto kang magpahalaga ng mga bagay na nasa harapan mo at dmo na kailangang hanapin pa kahit saan at kahit kanino.
Matuto ka kasing tanggapin yung sarili mo.
Ni minsan ba natanong mo na sya kung anu kanyang gusto?
Panay kasi sya iniintindi mo limot mo na me IKAW na kasama mo.

Matuto kang magmahal.
Ng madalas.
Ng walang kupas.
Ng walang tinatago.
Ng walang kondisyon.
Ng walang expektasyon.

Matuto ka.

magmahal.

Pero bago ka matutong mahalin ang iba.

Matuto kang mahalin ang sarili mo muna.

---neon110916---

THE SCRIPTSWhere stories live. Discover now