Chapter 14: TGTD Day 6

832 27 1
                                    

Chapter 14: TGTD Day 6

Cristine's P.O.V

*5th day marked X* 5more days na lang and goodbye Luhan na and D.O. ako.

HAYAHAY!

hayahay nga ba talaga? Aish! Just the thought of the days of his stay, na limang araw na lang nakakapanlumo.

'Di man halata, pero gusto ko sya. Oo, gusto ko sya. 'Di nga lang ako nagpapahalata. Ang gulo 'no? Paikot-ikot lang.

Pero sya ba.. Gusto rin ako?

Haaaaay! Makatulog na nga dahil mapapagod ako nito maghapon eh. Gusto daw nilang libutin ang buong Maynila ng naka-sakay sa jeep. Opo. Sa jeep nakasakay, walang pang taxi eh. Haha! Joke lang. Gusto daw nila ma-experience ang jeep roadtrip sa buong Metro Manila eh. Edi push! Goodluck nalang po sa 'min bukas.

Goodnight. Sweetdreams. Luhan dreams I pray.

"So, this is the the-so-called jeep? Cool! Let's go, I'm excited." Excited na sabi ni D.O. at sumakay na nga. Buti na lang pumayag si kuyang driver na rentahan namin sila ng jeep nya

the whole day. Syempre, kung ikaw ba naman alukin ng 12,000php hihindi ka? Free meals pa!

"So, shall we?" Yaya sa 'kin ni Luhan sabay holding hands. Men! Kinikilig ako. Hoho!

"Goodbye Marikina for now, see ya again later." Parang timang na pagpapa-alam ni D.O.

"Hahahahahaha!" Natawa nalang kami ni Luhan sa ka-dramahan ni D.O.

Maya-maya lang nakahilata na si D.O. sa buong haba ng upuan at natulog. -________- Excited na excited gumala pero natulog lang naman.

Nag-stop kami sa MOA, akala ko pa naman iikutin namin ang buong Metro Manila eh. Buti naman at dito lang. At nag-lunch kami sa Jollibee. Haha! Nakakatawa nga sina Luhan at D.O. eh, nakaubos sila ng tig-isang bucket ng chicken joy. Nasarapan ang mga wolf. Hahaha! Si Kuyang driver naman ay binigyan nalang namin ng happy meal, opo, maka-Mcdo sya at dun lang sya kumain sa jeep. At buti na lang din walang nakakahalata sa dalawang Exo na kasama ko.

Todo disguise eh. Si Luhan nag lagay ng mustache at beard at balot na balot ng jacket nyang hanggang tuhod while si D.O. naman nag panggap as a girl. She's wearing a mini-dress and flats with matching a brunette wig and of course kaunting make up. Laughtrip.

Naglibot-libot lang kami sa MOA, yung tipong papasok sa isang botique, titingin-tingin at magtatanung-tanong na akala mo bibili tapos lalabas. Lakas trip 'no?

At dahil napagod na kami. By 5pm nag-dinner na agad kami, sa Mang Inasal, katulad kanina sa jeep lang kumain si Kuyang driver.

Grabe lang po. TAG GUTOM! Naka tatlong cup of rice ako, 5cups si Luhan at 5cups din si D.O. Hahaha! Nakakatawa pa si Luhan, kasi nahirapan syang tanggalin sa stick yung manok. Frustrate na frustrate eh. Pero at the end, na-enjoy nya rin naman, naka-5cups of rice nga diba?

After namin mag-pigging umikot na kami papuntang Luneta Park para panuorin ang lighting fountain.

"Ang ganda 'no?" Tanong ko kay Luhan habang nakatingin sa umiilaw na fountain.

"Ang ganda nga, (pero mas maganda ka pa rin, my love in korean)." Sagot nya. Hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi, nag-koreano eh. Mamaya minumura na 'ko nito eh.

Natapos ang araw namin ng ganun at iniisip ko pa rin kung ano yung korean words na sinabi nya kanina, gustuhin ko mang i-google translate wa-wenta. 'Di ko na maalala eh. -___________-

-- CristineIsMyName

Ano Naman Kung Ikaw Si Luhan? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon