Chapter 4. Drunk Kiss

6 1 0
                                    

Habang nag aalmusal kami ni Enzo, busy siya may katext sa phone. Ako naman, tahimik lang habang kumakain at di ko padin mapigilan di magisip bakit nagtatrabaho si Nathan.

"Enzo?"

"Hmm?"

"Mag part-time job kaya ako?"

Muntik naman siya mabulunan at natawa. "Ano kamo? Hahahaha. Kailangan mo ba ng pera? Eto bigyan kita."

"Nakakainis ka, never mind."

"Hahaha kung ano ano kasi kabaliwan naiisip mo kumain ka na nga lang dyan."

"Eh bakit masama ba magpart-time job kahit mayaman ka na?"

"Hmm di naman sa masama syempre hindi ko naman jinujudge yung mga nagwowork. Pero bakit mo kailangan magpart time job kung nasayo naman na lahat? Kailangan mo lang nun kapag kailangan mo ng pera which is.. hindi mo naman kailangan."

Pero bakit niya kailangan kung mayaman naman sila? Nakakainis talaga ayoko ng ganito eh.

"Bilisan mo na dyan aalis na tayo. Tae excited na ako mamaya sa party! Pupunta pinsan ni Krizel."

"Si Hazel?"

"Oo yieee. Magpapapogi ako!"

"Edi ba binusted ka na nun? Hahaha."

"Oo nung first year. Malay mo ngayon marealized niya pogi pala ako diba. Haha bilisan mo na nga dyan!"

Nandito na kami sa school at nandito na din si Shawn.

"Basta yung mini bar natin ha, sino bartender natin?" Tanong ni Shawn.

"Ok na yun, sagot na daw ni Pablo, may kakilala siyang bartender siya na daw bahala."

"Yon!!"

"Excited ka na ba Jade?" Tanong ni Shawn sakin. "Syempre hindi."

"Kakainin mo yang sinabi mo kasi mamaya mag eenjoy ka!"

"Good morning mga bro! Good morning, Jade :)" si Keith!

"Ayoooon. Happy na ulit si Jade." Pang aasar ni Enzo napakamot naman sa ulo si Keith.

"Hay nako ang aarte!"

"Bro nasan si Nathan? Bakit ba di kayo sabay pumapasok nun?" Tanong ni Enzo.

"Eh mas malapit kasi bahay ko sa school. Siya 30 minutes drive pa."

"Huh? Hindi kayo magkasama sa bahay?" Tanong ko.

"Hindi. Wait kita nalang tayo sa room mamaya may kukunin lang ako sa office."

"Sige sige." Sabi ni Enzo kaya nauna na kami maglakad.

"Paanong hindi sila magkasama sa iisang bahay?" Tanong ko.

"Bakit ba curious na curious ka Jade?"

"Wala naman."

Pagdating sa school, 30 minutes pa naman bago magstart yung klase kaya pagpasok namin nila Enzo nagkaingay lalo excited na daw sila sa party mamaya kaya nagkayayaan mag jamming.

Ginagawa na nila to since First Year.

Si Enzo sa guitar, tapos si Pablo sa drums pero upuan lang yung gamit hahaha. Arm chair lang. si Shawn naman ganon din.

Tapos normally si Steve yung taga kanta pero wala pa siya, kaya nagtanong sila sino daw gusto kumanta. Maya maya pumasok si Nathan. Mukhang masaya siya ngayon ah. Kasi hindi siya nakasimangot.

"Ayon! Nathan! Tara jamming."

"I don't sing."

"Hoy bro tingin mo may pake kami? Sa room na to walang pake pake basta happy lang."

At mas kinagulat ko, ngumiti siya tapos tumango nalang. What. Is. Happening. To. The. World?

Tignan nga natin kung may ibubuga ba to.

Nagsimula na magstrum si Enzo ng gitara.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon