Chapter 10. Can I be Him?

12 0 0
                                    

"Jade nakikinig ka ba? Simula kanina sa school after lunch di ka na nagsasalita eh." Nagtatakang tanong ni Enzo. 

"Ah eh..wala may iniisip lang."

"Miss mo agad si Keith? Hahaha. Tawagan mo!"

Kung alam mo lang. Kanina ko pa tinatawagan hindi sumasagot. Ano kayang ginagawa nun? Bakit absent?

"Ligo lang ako, Enzo." Paalam ko tapos tumango nalang siya. Si Shawn kasi tumatae kaya tahimik mundo namin.

Nahiga lang ako sa kama ko—I mean kama ko sa bahay ni Enzo.

Di naman talaga ako maliligo. Gusto ko lang mapag-isa para makapag isip isip.

Hindi pa din mawala sa isip ko yung hinalikan ako ni Nathan. Hindi siya mawala sa isip ko.

Maya maya nag ring yung phone ko. Si Keith tumatawag! Sinagot ko naman agad.

"Hello?"

(Hi Jade! Pasensya na talaga, hindi manlang ako nakapagsabi. Tapos di ko nasagot mga text at tawag mo, kasama ko kasi si Dad. May pinuntahan lang kami.)

"Ah, ok lang."

(Okay ka lang ba? Parang malungkot ka.)

"Hindi ok lang. a-ano namiss lang kita."

(Aww, Jade. You just made my night. Namiss din kita! Hayaan mo bukas papasok na ako.)

"Keith."

(Yes?)

"U-uhm.. kamusta si Nathan?"

(Huh? Di mo ba nakita sa school? Pumasok daw siya ah. Mukha naman siyang ok. Pero ngayon bago kita tawagan tinawagan ko siya, mukhang badtrip. Ayaw na daw niya pumasok.)

Eh gago pala siya eh, hahalikan niya ako tapos magdadrama ng ganon. Tapos ngayon di na papasok? Ang hina niya!

(Hello Jade? Are you still there?)

"Ah yes. Sorry sorry. Ano ulit yun?"

(Sabi ko, matutulog na ako kasi I had a long day tapos maaga pa bukas. I'll talk to you tomorrow?)

"Oo naman. Goodnight Keith."

(Goodnight, Jade.)

Binaba na niya yung tawag. Tapos di ko mapigilan mainis kay Nathan.

So tinawagan ko siya.

(Sino ka?)

"Sige magpanggap ka nanaman."

(...)

"Anong arte mo sa buhay? Ayaw mo na pumasok? So dahil lang sakin iiwan mo magisa si Keith? Asan na yung pinangako mo dati na walang iwanan?"

(It's not like that—)

"Eh ano?"

(I—ewan.)

"Pwede ba Johnathan."

(What did you just called me?)

"Johnathan."

(Stop. Di mo ba naiisip gano kapangit yang pangalan na yan?)

"Then stop being so immature! And go back to school!"

(Tss.)

Sandali kaming natahimik. Walang nagsasalita. Ang awkward.

Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

Pagpasok sa school, hinanap ko agad si Nathan. Subukan lang niya umabsent.

"Hi Jade!" O si Keith pala.

"Good morning."

"Hinahanap mo ba ako? Grabe pakiramdam ko ako pinaka maswerteng lalaki sa buong mundo!" Tapos ngumiti naman ako at niyakap niya ako.

At nakita ko si Nathan, papasok ng school. Nakita niya kaming magkayakap.

Ewan ko pero bigla akong kumawala sa yakap ni Keith.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon