Camp na bukas! Madaling araw daw magkikita kita sa school. Nag-aayos kami ng mga dadalhin namin.
Pinayagan din si Krizel mag sleepover ngayon kasi para bukas sabay sabay na kaming pupunta sa school.
Mag grab lang kami kasi hindi naman magddrive si Enzo dun. Kasi ilang araw kami mawawala saan niya iiwan car niya?
Nandito lahat. Si Enzo, Shawn, Krizel, France, Javier, Keith at Nathan.
Oo inaway ko nga pala si Javier dahil niloko niya ako pero nagsorry lang siya ayaw lang daw niya ako ipahamak kasi kapatid daw ako ni France kaya sige na nga.
Hindi naman kami naguusap ni Nathan after nung pagyakap ko sakanya nun. Minsan nagpaparinigan lang kami. Naiinis kasi ako sakanya. Ewan ko ba, minsan gusto ka niya magugulat ka nalang sa pasabog niya tapos kinabukasan di ka na niya nakikita.
Alam mo yun? Hindi marunong ipaglaban kung anong gusto niya hay ewan!
Pero naguiguilty pa din ako kay Keith. Ang bait bait kasi niya, hindi niya deserve tong pinag gagagawa ko.
Pero ayoko makasakit kaya di ko alam pano sasabihin sakanya.
"Alam mo habang pinapatagal mo mas pinapalala mo lang." seryosong sabi ni France habang tinutulungan akong magimpake. At oo, sakanya ko lang sinabi lahat.
"I know. Pero ano bang gagawin ko France?"
"Gawin mo yung tama."
Tapos ngumiti siya at lumabas na kuha daw siya ng cake nagugutom siya.Hayy.
Bakit ba napaka komplikado? I wish mommy's here para sabihin niya sakin kung anong gagawin. Kaso ayoko naman magkwento sakanya, baka masira ko lang yung bakasyon nila.
Di na niya kailangan malaman yung pinagdadaanan ko. Madami na siyang problema, lalo na yung kay Dad at di pa niya alam na alam ko na.
"Jade?" Si Keith.
"Pasok ka."
Umupo siya sa harap ko tapos nagsmile."May gusto sana ako ibigay sayo." Sabi niya at nilabas niya yung maliit na box.
Necklace, from Pandora. Ang ganda!
"Sana nagustuhan mo."
"Wow ang ganda! Para sakin talaga 'to?"
"You're special to me, Jade. I just want to give you something special too."
Tapos sinuot niya sakin yung necklace. And nag smile siya. "Bagay sayo."
"Keith—"
"Sshh, ok lang. hindi naman kita minamadaling sagutin na ako eh. Handa naman ako maghintay kahit gano katagal. No rush. Hindi 'to laro."
Gusto ko maiyak. Bakit ba ang bait bait niya?! Bakit ba hindi nalang siya maging masama sakin? Para may dahilan ako.Unti unti akong lumapit sakanya. Medyo nagtataka pa siya. "Jade? What are you doing?"
Ewan pakiramdam ko he deserve this naman eh. Kahit ito lang. kahit ito nalang maibigay ko sakanya.Ang yakapin siya. Dahil hindi ko na pwedeng ibigay yung puso ko sakanya, dahil hawak na 'to ng iba.
Hawak na ng taong duwag. Takot na takot pero basta nalang niya kinuha sakin 'yun.
"You are such an amazing person, Keith. Anyone would be so lucky to have you." Sabi ko habang yakap ko siya. Mas hinigpitan naman niya yung yakap sakin. I'm sorry Keith, I'm sorry naduduwag akong maging honest sayo.
"Whoops, nakakaistorbo ba ako?" Mapanlokong tanong ni Krizel. Awkward.
"Hindi, baba na din ako. Nakakagutom hahaha." Sabi ni Keith tapos bumaba na nga siya.

BINABASA MO ANG
Dear John
RomanceEveryone handles their pain differently. Maybe your English Teacher will yell and she'll be fine after, or what about that guy from your Art Class? Maybe he'll punch the wall, and he'll get over it. So does your neighbour, you can hear him scream af...