"Yaya! Bakit hindi mo nilinis ng maayos 'tong sapatos ni Jade? Ano ka ba naman! Ang simple simpleng bagay hindi mo magawa ng maayos! Binabayaran ka ng maayos wag mo naman papangitin anak ko!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Mommy. Mainit nanaman ang ulo niya.Maya maya may kumatok sa kwarto ko. "Pasok po." Sabi ko. Dahan dahang bumukas yung pinto tapos si Yaya Meredith pala. She looks so pale at parang paiyak na siya. Napabangon tuloy ako agad sa kama at pinuntahan siya.
"Ya, I'm really really sorry po sa mga sinabi ni Mommy, baka nagaway nanaman sila ni Daddy or baka nagkaproblema sa company kaya po mainit nanaman ulo niya." Niyakap ko naman siya.
She's been with us since the day I was born. May edad na din siya, she's 38. Sobrang hanga nga ako sakanya kasi natiis niya si Mommy. Si Daddy kasi ang nagpaaral sakanya. Kaya siguro utang na loob na din.
Nung 18 years old kasi siya dati, Dad saw her at the church, her mom was dying kaya sobrang nagdadasal talaga siya. When dad was about to leave, there was a theft na nanakawan dapat si Dad and muntik na siya masaksak but Yaya Meredith saved him. Dad was so thankful so inoffer niya na kung anong tulong ang kailangan niya, he'll give in exchange for saving his life.
Dad paid for the hospital bills and medicines and everything para sa Mom ni Yaya. Dad was 21 at that time, and engaged na sila ni Mom noon. Ang bata diba!
Dad saw how nice yaya was and that she will do everything for her family. Kaya he's willing to help her with anything but Yaya said it was too much and hindi niya alam pano makakabayad sa lahat ng tulong ni Dad. Kaya she said she can be a maid nalang daw kapag kinasal na sila ni Mom.
At first ayaw ni Dad kasi masyado pa daw siyang bata para maging alila. Kaso Mom said pag nagkababy na daw sila kakailanganin nila. So when Yaya was 21 years old, and the day I was born, naging maid na namin siya.
Sorry, I just really love telling this story to other people because it makes me happy na kahit na super mean ni Mom sakanya, mas pinipili niyang iignore nalang kasi malaki ang utang na loob niya kay Dad.
Kaya I really feel sorry for her. She doesn't deserve this but even dad couldn't stop mom from being mean to people. Baka nga ganun talaga ang nagagawa ng pera sa tao. Pinapalaki yung ulo at feeling nila sila na ang pinaka the best sa buong mundo. Hay
"Sorry, Jade. Hindi ko siguro napansin na may dumi pa yung sapatos mo." Pinupunasan niya yung sapatos ko tapos naiyak na siya.
Naiiyak na din tuloy ako.
Kinuha ko yung shoes ko and pinatayo ko siya.
"Yaya it's okay, it's not your fault ok? It's ok konting dumi lang naman yan. Oa lang talaga si mommy. I'll just help you make breakfast ok?"
"Ay nako Jade wag na. Baka mapagalitan pa ako ng mommy mo."
"Ano ka ba ya, she doesn't have to know! :)"
Napangiti nalang siya at niyakap ako. She's so sweet! Tumanda na siyang dalaga wala siyang anak kaya super tinuturing din niya akong anak.Lumabas na siya after palitan yung basurahan ko sa room. Nagready na din ako kasi first day of school! Fourth year high school na ako.
Pagkatapos ko magayos, bumaba na ako para tulungan si Yaya sa pagmamake ng breakfast. Pero bigla akong tinawag ni Mommy.
"I know what you're planning to do and I don't like it! Let her do her job. Ginusto niya yan. Kundi dahil sa dad mo hindi naman niya mapapag aral yung dalawang kapatid niya."
"Mom, you don't have to be so mean. It's just a shoes. Madudumihan din naman 'to mamaya kapag pumasok na ako."
"I know. Gusto ko lang na ikaw ang pinaka maganda kapag pasok mo." Tapos inayos niya yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
Dear John
RomanceEveryone handles their pain differently. Maybe your English Teacher will yell and she'll be fine after, or what about that guy from your Art Class? Maybe he'll punch the wall, and he'll get over it. So does your neighbour, you can hear him scream af...