Chapter 2. Thank you

6 1 2
                                    

Sabi ko hindi ako papasok pero napakadaming pumapasok sa isip ko at gusto kong makita si Keith.

Alam ko ang weird, kakakilala palang namin tapos biglang special na agad ako sakanya? At sobrang curious din ako malaman kung ano ba tong nararamdaman ko.

Pero kasi, hindi pa ako nagkakagusto sa isang lalaki. I'll be really surprised kapag tama yung hinala ko na gusto ko siya.

Super aga pa, 5am palang. Pero I already got ready for school. But I need to go and talk to France first.

I walked silently para di magising si Mommy.

Alam ko trespassing, pero gusto ko lang makasigurado na ok si France. Kahit naman hindi kami 100% magkapatid, lumaki na akong kasama siya and I love her.

Nakita kong ang himbing ng tulog niya. Napangiti ako. She really looks like an angel.

Inayos ko yung kumot niya at kiniss siya sa noo. "I love you, France." Tapos dahan dahan akong lumabas.

Nagiwan ako ng note kay Mommy sabi ko kailangan ko pumasok today sa school early kasi susunduin ako ni Enzo.

She trust my friends naman kaya ok lang. sabi ko ililibre niya ako ng breakfast.

Pero mag gagrab lang talaga ako. Pupunta ako dun sa favorite coffee shop namin ni Dad malapit sa school.

Dati, nung bata pa ako, ihahatid kami lagi ni Dad sa school tapos dadaan kami dito para kumain ng cake tapos si dad mag cocoffee. Yun yung time na nagtravel si Mommy kasama si Tita Pearl sa Europe, 2 months sila dun. Tapos si Dad pinagbakasyon yung driver at si Yaya Meredith, para masolo daw kami ni Dad. Tapos ayun, everyday yun, hatid sundo niya kami ni France.

Yun yung huling punta ko dun, kasi di type nila Kriz. I know simpleng shop lang yun pero may unforgettable memories.

Naihatid na ako ng grab. Tinext ko na din pala si Enzo na I told mom na I'm with him. Di pa siya gising kaya mamaya na ako mageexplain.

Pagupo ko, napangiti ako. Bumabalik lang masasayang ala ala. ewan ko ba bakit ako nandito. Siguro kailangan ko lang makapag isip isip about kay Keith. Ang adik lang 'no. Crush ko na agad porket may dimples siya.

Maka order na nga.

"Hi can I get your order please?"

"Yes I would like—Nathan?!"

"Yes, Ma'am, what would you like?"

Grabe parang hihimatayin ata ako. He looks so different! Nakangiti siya. NAKANGITI SI NATHAN.

Oo big deal! Dahil sa school nakakatakot yung aura niya parang lagint nakabulong sakanya si Satan, kaya siguro Nathan pangalan niya.

Pero ngayon parang ang bait bait niya, at may dimples din siya!!!

"Ma'am, what's your order?"

"Oh uhm. Uhm, can I please get one regular vanilla latte, no sugar, soy milk and extra hot please." Ngumiti ako tapos ngumiti din siya.

"Name please?"

"Jade."

"Thank you Ma'am Jade, iseserve ko nalang po yung coffee niyo."

Nag thank you ako at kahit hindi padin makapaniwala ay umupo nalang ako at hinantay yung order ko.

Maya maya pa dumating na 'to pero hindi si Nathan yung nagserve nasan na yun?!

And then I saw him palabas na dun sa isang exit. Dali dali kong kinuha yung bag ko and coffee tapos sinundan ko siya.

"Wait, Nathan!"

Parang wala siyang naririnig.

"Nathan wait!"

Sa sobrang kamamadali kong habulin siya, di ko namalayan may humps pala so nadapa ako.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon