Chapter 7. Crazy Boss!

9 0 0
                                    

Kami nalang ni Enzo dito sa bahay. Nakauwi na din sila. 9pm na din.

Nasa kwarto niya lang kami, nanunuod ng movie pero parang ako lang yung nanunuod kasi busy siya katext si Hazel.

"Enzo, alam mo pakiramdam ko—"

"Huh? Teka lang Jade, tawag daw ako." Tapos lumabas siya sa may balcony at tinawagan na nga si Hazel. Hayy.

Ano kaya ginagawa ni Keith? Si Keith ba talaga hinahanap mo o si Nathan? Nagwowork yun, alam mo naman yung pizza shop, puntahan mo!

Teka bakit ba hanggang sa imagination ko boses ni Shawn ang naririnig ko?! Nakakainis talaga. Si Keith nga hinahanap ko diba? Si Keith! Bakit Nathan nanaman.

Humiga ako sa kama ni Enzo tapos inopen ko instagram ko. May instagram kaya yun? Si Keith ha!

Oh, finollow pala niya ako. Ni Keith :-)

Hindi kasi ako palabukas ng ig. Finollow back ko siya tapos inistalk ko lang.

Natawa lang ako ang cute ng mga pic niya hahaha. Wait, meron siyang post 2 years ago. Eto siguro yung mommy niya. Nasa Japan sila.

Kapag pala nakangiti sila pareho ni Nathan di mo agad malalaman sino si Keith sino si Nathan. Magmukhang magkamukha. Pero nakatitig ka lang sa isa sakanila—kay nathan to be specific—

"UGH SHAWWWWN SINISIRA MO BUHAY KO!!!" Sigaw ko. Bigla naman sumilip si Enzo.

"Jade ano nangyari?!"

"Wala wala. Sorry sige tuloy niyo lang yan. Peace!" Umiling lang siya at bumalik na ulit sa pakikipagusap kay Hazel.

May isa pa siyang post. Parang concert nila sa school.

Ang caption: Go brother, bring home the bacon!

Tapos may comment yung mom niya.

"So proud of you my little Johnathan. And syempre ikaw din, Keith. Love you both, love mom xx"

Wow, ngayon ko lang nalaman full name niya. Johnathan pala! Ang tanda pakinggan hahahah. Kaya pala Nathan nalang siya ngayon.

Pinlay ko yung video.

"Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway"

O____O

Bakit ganon tama yung nasa imagination ko nung isang araw!! Ang ganda nga ng boses niya!!

WAAAAAHHH. Why oh why?

Naalala ko bigla yung panyo niya na nailaglag ko sa star city dahil bigla akong niyakap ni Keith. Sana di niya hanapin sakin yun!

Bakit ganon? 60 seconds lang yung vid! Wala na bang iba?

Weird naman kapag hiningi ko kay Keith diba?

Wala naman kasing ig account si Johnathan—I mean Nathan hahaha asarin ko kaya yun? Pang matanda kasi yung pangalan niya eh! Hahahaha.

"Jade labas kana matutulog na ko."

"Grabe pagkatapos mo ko ayain ng movie marathon nakipagtawagan ka lang naman kay Hazel tapos ipapagtabuyan mo ko dahil matutulog ka na?"

"Nagdrama ang best friend ko. Gusto mo kantahan pa kita ng nursery rhymes? O basahan kita ng bedtime stories?"

"Tse!" Natatawa lang siya at lumabas na ako ng kwarto niya. Kainis yun.

Text ko kaya si Nathan? Kaso ano sasabihin ko? Ano gawa mo? Tapos na work? Ugh I feel so weird.

Gusto ko kasi siya marinig kumanta ng buo! Uy pinaka turn on sakin kapag yung lalaki magaling kumanta 'no!

So natu-turn on ka kay Nathan? Pano na si Keith?

Sumasakit na ulo ko! Fine, I promise from now on, kay Keith nalang talaga ako magfofocus. Iisipin ko nalang masamang damo si Nathan. Ok? Okay na, self? Gosh! Makatulog na nga.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon