Chapter 3. Pizza Delivery

4 1 0
                                    

Thursday na! Sabi ni Mommy mamaya daw yung flight nila kaya pina absent niya ako ngayon para mag bonding daw kami.

So mag shoshopping kami and kakain sa labas. Nagaayos lang ako ngayon. 9am na and sinabi ko din kanila Enzo na di nga ako papasok dahil kay Mommy and sanay na sila kapag ganon.

"I'm done, anak! Ikaw ba?"

"Nearly done mommy." Sinuot ko lang yung shoes ko tapos tadaa I'm done.

"Awww my pretty baby." Tapos niyakap niya ako. "Mana lang sayo Mom."

"Nambola pa tara na nga."

Only child lang si Mommy tapos wala na sila Lolo at Lola may problema pa sila ni Dad kaya naiintindihan ko naman bakit sobrang love niya ako kasi ako nalang meron siya.

Pagdating namin sa mall, panay shopping lang ang ginawa namin.

"Anak, balita ko may bago daw kayong friend, Keith?"

"Si Enzo nagsabi?"

"Anak, alam mo naman kailangan muna dumaan niyan sakin. Kapag hindi nakatagal yan, no no no."

"I know mom." Si Enzo talaga!

"Oh magbebehave kayo ni Enzo habang wala kami ha?"

"Mom, pano mo hinahandle?"

"Huh?"

"Yung sitwasyon niyo ni Dad." Tinignan lang niya ako saglit tapos nagsmile siya at inaya ako magpa salon. "Gusto mo new hairstyle?"

"Mom di mo naman sinagot tanong ko."

"You asked pano ko hinahandle."

"Yeah and you just asked me to go to a salon with you."

"That's how I handle it. By making myself special. By shopping, makeovers, you know. And kapag naging happy na ako sa outcome, nagiging ok na ako. And kapag sumakit ulit, I'll just do it all over again. That's how I handle pain."

Napangiti ako. Kahit pinapakita niya na strong siya and nakakatakot siya, deep inside andun pa din yung weak side niya. Magaling lang siya magtago. I hope balang araw maging kagaya din ako ni Mommy.

I hope I can handle pain perfectly, just like her.

We just ate tapos we went home na din kasi it's already 6pm and ang flight nila mommy ay 10pm.

She already left and nagaayos lang ako ng gamit ko para pumunta kanila Enzo.

*Knock Knock*

"Come in."

"Hi, Jade."

"France! Nakauwi ka na pala. Nakita mo ba yung iniwan ko sa bed mo nagshopping kami kanina ni Mommy and I got you new shoes and clothes! Tapos nagtake out ako ng food for you."

"Haha, oo kakainin ko na mamaya. Thank you ng marami. Umalis na pala si Tita, punta kana kila Enzo?"

"Yes, susunduin niya ako. Ikaw san ka? Sila Yaya Meredith at Kuya Driver umalis na din."

"Kanila Javier ako. Her mom said I can stay there."

"Yieee. Huy wag ano ano ha."

"Haha baliw ka! Oo naman! Osige na di na kita istorbohin. Thank you sa mga pasalubong mo ha." Tapos hinug niya ako.

"See you at school!" Nakangiti kong sabi tapos lumabas na din siya.

Ganito kami kapag aalis ng matagal parents namin. Magbabakasyon sila Yaya at yung driver namin tapos ako kay Enzo, at si France kahit saan niya gusto. Since dad left, ganito na yung ginagawa namin.

Dati kasi nung nandito pa si Dad, kapag si Mom aalis, siya lang kasama namin.

An hour later, sinundo na din ako ni Enzo. Yes nakakapag drive na siya, 18 na kasi siya. Kami 17 palang. Siya yung mas matanda ng isang taon.

"Bye, France! Lock mo nalang yung pinto ha!" Sabi ko tapos nag bbye na din siya.

"Hi France!"

"Hi Enzo! Ingat kayo!"

"See you sa school!" Sigaw ni enzo tapos kumaway nalang si France.

"Seatbelt mo?"

"Opo." Tapos ngumiti siya at umalis na din kami.

"Sino sino pupunta sa party mo bukas?" Tanong ko. "Hmmm tayo tayo tapos mga classmates natin ganon tapos may mga ininvite sila."

"Madami din pala."

"Ok lang, the more the merrier hahahaha."

"Lagot talaga tayo kapag nalaman nila Tita!"

Tumawa lang siya. 30 minutes drive din yun. Lumipat kasi sila eh, dati magkapit bahay lang kami.

Pagdating namin sakanila, tinulungan lang niya ako buhatin yung mga gamit ko and pumasok na din kami sa loob. Wala naman silang maids or drivers kasi nakakapagdrive na silang lahat so hindi na nila kailangan.

Pumasok ako sa kwarto ko dito. Yes may sarili akong kwarto dito syempre.

"Nag dinner ka na? Gusto mo magluto ako?"

"Hmmm busog pa ako kumain kasi kami ni Mommy sa buffet."

"Sige, sabihan mo lang ako kapag gutom ka maliligo lang ako."

"Ako din maliligo! Baho ko na."

"Haha sige."

Dun nalang ako maliligo sa jacuzzi nila sa may backyard. Mas relaxing dun tapos manunuod nalang ako ng movie din.

Nagpalit na ako ng swim suit at bumaba na.

Relaxing as ever. Nanunuod lang ako ng A Walk To Remember fav ko.

"Jade!"

"Yes?"

"Nag order ako ng pizza! Baka dumating! Tatae ako!"

"Sige lang!" Hay istorbo naman si Enzo.

Maya maya may nag door bell na. Bakit ba ang daming istorbo sa mundo.

Ano ba naman.

Binuksan ko yung gate at halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nagkatinginan kami tapos nakita kong namula siya, napatingin siya sa katawan ko—wait. Oh damn.

NAKALIMUTAN KO MAG TOWEL!

Tumalikod naman siya bigla. "Bayad na yan kunin mo nalang." Tapos binigay niya sakin yung pizza at umalis na siya.

Oh my god. Oh my gosh lupa lamunin mo na ako!

Bakit ba ang oa ko?? Eh kasi naman hindi naman ako nag gaganto kapag may ibang tao kapag lang sila Enzo kasama ko. Super mahiyain ko kaya.

"Ano nangyari—hoy!! Mag towel ka nga dun!!!" Inis na sabi ni Enzo tapos kinuha niya yung pizza at tinulak ako papasok.

Dali dali naman ako nagpalit at di padin maka move on sa nangyari.

"Dalaga na siya yie, nagpapakita na ng katawan sa iba—"

"Tumigil ka nga Enzo. Nawala lang sa isip ko no. Super attached ako sa pinapanood ko tapos nawala sa isip ko."

"Isumbong kaya kita kay Keith."

"Hoy bakit hindi ko naman boyfriend yun!"

"Kahit na. Yieee."

"Bahala ka na nga dyan matutulog na ako."

"Hoy teka di ka manlang kakain ng pizza?"

"Ayoko ng pizza mo!!"

Padabog akong umakyat sa kwarto nakakainis. Bakit ba kasi—ughhhh.

*Buzz Buzz*

From: Nathan bakulaw

Sabihin ko kaya sa kapatid ko na puro ka fats?

UGHHH ANONG FATS!! Nasan ang fats! Omg magdetox na ba ako?

Mataba ba ako??

NAKAKAINIS SIYA!!

*Buzz Buzz*

From: Keith

Good night, princess. <3

Ayiee :">

Pero teka, nung kelan sa coffee shop ko siya nakita bakit ngayon nagdedeliver siya ng pizza?

Ano ba talagang trip nun sa buhay?

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon