Chapter 9. Ang Pagkahulog sa Bangin

8 0 0
                                    

From: Mommaa

Guess what anak? I feel like magiging happy ka sa sasabihin ko. Something came up so we need to extend pa our stay here for another 2 months! Yesterday kasi yung friend ko si Tita Liz mo, her boyfriend Tito Jimmy, nagproposed sakanya. And idk why siguro marupok sila masyado, they decided to get married as soon as possible. So in a month actually. Kaya we'll stay here.

You know naman na may tiwala ako sainyo nila Enzo. Be a good girl, wag muna papadala sa mga patsokolate ni Keith everyday ok? Love you and I miss you so much!

"Ayan. Nabasa mo na?" Halos di mawala ngiti ni Enzo.

"Totoo ba yang nababasa ko? 2 months—2 months pa!! Waaaah"

"Grabe ka naman, ano party nanaman? Di mo manlang ba namimiss parents mo?"

"Hmm namimiss naman. Pero ang saya kaya ng ganto. Nangangati mga daliri ko parang gusto ko itext buong klase na mag party ulit."

"Hay nako kumalma ka. Diba pagood shot ka kay Hazel? Odiba ayaw non party boy? Kaya putulin mo na yang mga daliri mo."

"Tss. Oo nga pala. Ba yan!"

Nandito kami sa classroom, maaga dahil nga itong best friend ko nagpapa good shot kay Hazel. Di naman dito nagaaral pero baka daw kasi magsumbong si Krizel.

"Hindi ako makahingaaa" Nandyan na pala si Shawn. "Ano nangyari?" Tanong ko.

"Sheeet puno ng kulangot ilong ko. I can't breathe." Binato naman siya ng notebook ni Enzo.

"Ang baboy mo!" Sigaw ko.

"Yabang niyo, di ba kayo nagkakakulangot ha? Alien ba kayo? Tss tong mga to kala mo naman eh." Tampo pa siya kunwari.

"Tampo ka na agad." Sabi ni Enzo.

"Bahala kayo. Lalo kana Jade. Meron pa naamn akong good news."

"Good news? Anooooo?"

"Wala wag na. Pinalungkot niyo na ako. Judgmental friends."

"Eto naman parang gago. Anong good news?" Tanong ni Enzo.

"Nagpaalam ako kay Mommy kung pwede ako magsleepover kanila Enzo hangga't di pa dumadating parents niyo!" Tapos nagliwanag naman lalo mukha nito ni Enzo.

"Yon!!!!! Good news yan!!!"

"Teka si Krizel ba?" Tanong ko.

"Hu asa kayong payagan un." Sabi ni Enzo. Sabagay di naman pinapayagan ng matagal na sleepover si Krizel. Strict kasi parents niya. Baka daw kasi matulad siya sa ate niya na nabuntis ng maaga.

Dumating na din si Keith, wala si Nathan. Nagsmile siya sakin tapos nagsmile din ako. Maya maya dumating na din si Sir.

"Okay, alam ko sobrang maeexcite kayo sa sasabihin ko."

Nagsimula na magbulungan yung mga kaklase ko. Oh no, eto na ba yun?

"Sir! Tama ba naiisip namin? Senior Camping???!"

"Hmmmm....yes!!!"

At napuno ng sigawan ang buong klase.

"Well, tradition na ng school natin yun na mag ka senior camping and it will be beneficial as well para sa mga taong gusto maging isa sa nature and sa mga gustong maging environmentalist in the future haha. This is a great opportunity to just relax, enjoy life, and especially to learn more about the environment." Sabi ni Sir. At di pa din mawala ngiti sa mga labi ng mga kaklase ko.

"Dahil excited na excited na kayo, syempre bibitinin ko kayo diba! Para mainis kayo sakin"

"SIR NAMAN!!!" Angal nilang lahat.

"Sir ako pa binitin mo, simula first year high school gusto ko na maging fourth year para sa senior camp! Ngayon bibitinin mo ko! Masakit yun." Malungkot na sabi ni Pablo.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon