Chapter 6. The Handkerchief

16 0 0
                                    

"Grabe, walang kapaguran Enzo?!" Natatawang sabi ni Krizel.

"Ano ba! Inaya ko si Hazel tapos pumayag kapag daw nagenjoy siya, papayag na daw siyang hingin ko number niya! Wag na kayong umepal." Sabi naman ni Enzo habang nagddrive.

Natawa nalang ako tapos sumandal ako kay Shawn habang katext ko si Mommy. Naparanoid na ata ako baka mamaya matulad siya sa Mom nila Keith! Kaya maya't maya ko siya tinatanong kung humihinga pa ba siya. Kaloka.

"Hoy Shawn napakataksil mo, may kahalikan ka kagabi! Oh may video pa kayo!" Sigaw ni Krizel. Inagaw naman yun ni Shawn.

"Hoy! Langya sabi ko na eh, kaya nagfefeeling yung si Tiffany na kami na! Kainis. Ayoko talaga sa babaeng clingy. Panay text oh." Inis na sabi nito.

"Makikipaghalikan ka nalang kasi, dun pa kay Tiff. Kilala mo naman yun." Sabi ko tapos natawa naman si Krizel.

"Wait, nakita kita kagabi ha, kahalikan mo si Keith." Sabi ni Shawn.

"A-ano?!"

Napapreno ng wala sa oras si Enzo tapos halos malaglag panga ni Krizel.

"Oh tignan mo nga, kala niyo ako lang. Eh etong si manang may first kiss na!"

"HOY JADE MARIE! BAKIT HINDI KA NAGKKWENTO?!" Sabi ni Krizel.

"Lasing kana Shawn kagabi baka namalikmata ka lang." simpleng sabi ko. Nakakahiya talaga.

"Hindi 'no. Kakagaling mo lang kaya sa mini bar tapos pag tayo mo nakita ko nagkabangga kayo ni Keith tapos may pinagusapan lang kayo tapos hinalikan mo siya. Take note, HINALIKAN. MO. SIYA. Hindi siya ang humalik, ikaw."

"Ikaw ha may tinatago ka palang wild side!" Pang aasar ni Krizel.

"Ang weird. Kasi pagkakatanda ko, buong party, kasama ko si Keith...pero baka nakalimutan ko lang! Anyway, I'm happy for you, Jade! Nagdadalaga ka na!"

Medyo napaisip din ako sa sinabi ni Enzo. Kasi totoo naman na nakita ko si Keith kasama niya, tapos—nandun si Nathan pagkagising ko—omg wag naman sana!!

"Alam mo boto naman ako kay Keith, mabait kaya yun." Sabi ni Shawn tapos hinampas ko nalang siya. Dahil sakanya lalo lang niya pinasakit ulo ko eh.

Maitext na nga lang si Mommy.

To: Mommaa

Musta my? Buhay pa ba u? Tandaan mo love kita ha! Gagraduate pa ako!!

*Buzz Buzz*

From: Mommaa

I know right. Sasama pa ako sa honeymoon niyo ng asawa mo—sa kwarto mismo para alam kong hindi kayo magvivideo at iuupload sa porn site! Anyway, please stop texting me. We're watching a movie. I love u xoxo

Napakunot naman noo ko. Yuck? Si Mommy talaga!!

Pagdating namin sa Star City, napakahaba ng pila. Buti nalang nakabili na ng ticket si Enzo online.

Hinintay lang namin sila Keith, Hazel at yung friend niyang si Kim.

"Sorry we're late, tagal kasi sumundo ni Nathan!" Sabi ni Keith tapos nagsmile siya sakin.

Nung nagkatinginan kami ni Nathan, biglang may kakaiba akong nafeel sa dibdib ko—naalala ko yung nangyari kagabi—siya ba talaga 'yun?

Dahil nung nakita ko naman si Keith kaninang umaga, hindi naman ako nakaramdam ng ganto! At isa pa wala naman binanggit si Keith na hinalikan ko nga siya!! So oh my god...

Siniko naman ako ni Shawn. "Dalawa kayo sa buhay ko, at ako ngayon ay kailangan nang mamili isa lang ang maari—" Hinampas ko naman siya at tumawa lang siya ng malakas. Nakakainis talaga siya!

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon