Walang tigil syang umiiyak habang unti unting nabubura sa isipan nya ang mukha ng taong pinaka mamahal nya. Ito na ba ang huling sandaling masisilayan nya ang mukha ng taong nag bigay buhay sa puso nya. Nawawala, nadudurog, nawawasak samut saring emosyon habang ang lahat ay unti unting nawawala sa puting usok ng kawalan.
Wala kang magawa kungdi ang lumuha, dahil nakakadama ka ng sakit na hindi maipaliwanag. Pakiramdam mo pinapatay ka dahil unti unting kinukuha ang taong nag sisilbing Buhay mo.
Kailan magiging tama ang mali sa paningin ng iba? Mali ba ang mag mahal sa taong nag papasaya sa bawat tigatig na iyung buhay? Sinong mag aakala na marunong ka palang mag mahal.
Ito na wasak na ang pag katao mo, Paano ka mag u umpisa na wala sya sa tabi mo? Masakit mag mahal kapag pakiramdam mo mali ang lahat ng bagay sa pagitan nyo.
Nag mahal ka lang naman.. pero bakit marami ang tumutol. Sinubukan mong pigilan ngunit tila puso mo ay may sariling buhay kaya wala kang nagawa kungdi ang mahulog sa kanya. Bawat ngiti, bawat galaw, bawat pag hinga, bawat pag titig, bawat pag tawa at bawat pag ku kwento nya ay masaya kang naka abang. Sayang sa kanya mo lang naramdaman.
Pero kung anong ikinasaya ay sya ring anong sakit ang balik sayo. Pinagtagpo nga lamang ba kayo Pero hindi naman talaga nakatadhana. Kalakip ng pag tatagpong ito ang sakit ng pag lisan kapag tuluyan na syang nawala sa buhay mo.
Nag mahal kaba ng taong hindi naman talaga nakatadhana para sayo? Kung ganun bakit? kailangan mo syang makilala.
Para pasiyahan kaba ng saglit at habang buhay na saktan.Ngayon na tuluyan na syang wala, saan ka patungo kung sya ang noon ang liwanag mo sa napaka dilim mong mundo. Ang taong gabay mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Saan ka pupunta kung wala na ang buhay mo. Kulang. Wasak. Pira piraso. Durog durog. Yan ka ngayon na wala sya sa piling mo.
Paano mag umpisa ng buhay ng wala sya?
Naramdaman na lang ni Karylle na may nag pupunas ng luha nya. Napatingin sya kay Vice na katabi nya noon.
"Nakakaiyak ba masyado?" Nakangiting tanong ni Vice.
Hindi sya makasagot. Tumango lamang sya. "Bakit mo iniiyakan yang sinulat ko?""Nakakaiyak eh bakit ba?" Suminga sya sa tissue na hawak. Pinag tawanan sya ni Vice. "Hui bwesit na lalaki wag mo akong pag tawanan ah"
"Ang sala ula mo" kinuha nya ang note book na pinag sulatan ng mga bagay na nararamdaman nya. Tanging kay Karylle nya lamang ipinabasa iyun.
"Why?" Tanong bigla ni Karylle na humilig sa balikat ni Vice. Hindi na bago iyun kay Vice likas lamang talagang malambing si Karylle.
"I don't know ito yung nararamdaman ko.."
Unti unti akong nadudurog habang unti unti kang nilalamon ng usok ng kawalan.
Tumingin si Vice sa labas.
"Itong linya na to.. alam mo bang halatang nasasaktan yung nag sulat.. sino ba sya?" Tanong ni Karylle na pinag laruan ang daliri ni Vice.
"Hindi ko alam.. honestly hindi ko kilala ang BUhay KO.. I just felt empty"
Pinag masdan sya ni Karylle.
"I think your romantic" sabay ngiti ni Karylle dito. Napatingin lang si Vice dito at pinisil ang ilong nito.
"Stop being to cute.. I might fall for you... and your not going to catch me.." namula bigla si Karylle at lumayo sa binata
"Baliw!!"
"Hala sya kinikilig sya oh" natatawang sabi ni Vice.
"Ay nako.. tara na" tumayo sya. "Vice can I barrow that note book of yours?"
YOU ARE READING
Mr.Doctor Devil
Fanfiction"He's here" I whispered. Oo nandito ang demonyong doctor na yun. Ano na naman kaya ang gagawin nya sa akin.? Nag uumpisa na namang manginig ang buo kung katawan. Naririnig ko ang bawat yabag nya patungo sa kwarto. "Karylle!!" Narinig kung sigaw nya...