He is looking from afar. As much as he wants to come near her, hindi niya magawa. In the first place ay hindi naman sila close.
Siguradong magtataka lang ang mga nandoon kung lalapit siya. Though gusto niyang makiramay, nakuntento na lang siya sa pagmamasid sa isang-tabi sa hindi kalayuan.
Napangiti siya nang mapakla nang makita ang pag-iyak ng mga taong malalapit dito.
Gusto niya ring maiyak. Kaso ano'ng karapatan niya? Ano ba siya? Isa lang naman siyang lalaki na nagmamahal mula sa malayo, at hindi man lang naglakas ng loob na lapitan ito.
And now, wala na siyang pagkakataon pang makapagtapat dito. Wala na ito.
She killed herself.
Noong unang beses na narinig niya ang pagkalat ng balita sa University nila na nagpakamatay ito ay hindi siya naniwala.
Hindi siya makapaniwala.
Palagi niyang iniisip na marami pa siyang pagkakataon na lapitan ito. Na marami pa siyang oras para magtapat dito.
Now it's too late. She's gone.
Napatingin siya sa bestfriend nito na ngayon ay nakatayo na sa harap para magbigay ng isang speech.
Kahit medyo malayo ay klaro ang pagkakarinig niya rito.
Nakatakas ang isang luha sa mata niya. Mabilis na pinunasan niya iyon.
He's so pathetic. Umiiyak siya ngayon para sa isang babae na hindi naman niya nagawang lapitan.
Nagsisisi siya. He wasted so much time. He wasted his chances. He wasted so much opportunities.
Minsan pakiramdam niya ay nasa isang sulok lang ito at tahimik na nagbabasa ng libro sa isang-tabi. Siya naman ay kasama ng mga barkada niya, nagpapakasasa sa kasikatan nila sa pinapasukan nilang University.
She was the quiet and shy girl at the back of the room.
If only he told her. If only he tried. Kung nagtapat na sana siya rito.
"I...I still can't believe na wala na siya ngayon. Hi..hindi ko pa rin matanggap." Napatingin siya sa bestfriend nito na ngayon ay umiiyak habang idine-deliver ang speech. "Sometimes, I think na natutulog lang ako, at any moment now ay magigising na ko sa bangungot na ito. Na paggising ko ay buhay pa naman talaga ang bestfriend ko. Na buhay pa talaga si Wynona."
"...Minsan pakiramdam ko ay wala akong kwentang bestfriend. Ni hindi ko man lang napansin na ganoon na ang nararamdaman niya. If I tried harder, baka natulungan ko siya. Maybe she won't shoot herself," umiiyak na sabi nito. Narinig na rin niya ang paghikbi ng mga tao sa paligid.
"But despite it all, despite this tragedy, at least she found the peace that she was desperately looking for. At kung nasaan man siya ngayon, alam kong wala siyang ibang gusto kung hindi ang maging okay tayo, at ang makita tayong masaya..."
"...she was and will always be my bestfriend. Para ko na siyang kapatid. Kaya kahit masakit, for her I will stay strong. We should be strong for her. Dahil iyon ang gusto niya." Umiiyak na huminto ito para magpunas ng mga luha.
Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Alalahanin na lang natin ang mga masasayang araw na kasama pa natin siya, kaysa sa madilim na trahedyang nangyari sa kaniya."
"Kung nasaan ka man ngayon Wynona, gusto naming iparating sa'yo na mahal ka namin. At kahit wala ka na, hinding-hindi 'yon magbabago," pagtatapos nito.
Sinalubong ito ng Mom ni Wynona at niyakap nang mahigpit. Naramdaman niya ang pagbabara ng lalamunan niya.
Naiinggit siya sa mga taong iyon. At least may mga alaala silang babalikan kasama ng babaeng matagal niya ng lihim na minamahal. Hindi katulad niya na walang babaunin na kahit na ano.
Nakaramdam siya ng matinding lungkot nang makitang dahan-dahan ng dinadala sa huling-hantungan ang babaeng mahal niya.
Nanghihinayang ang kalooban niya. Nasasayangan siya sa mga panahong nakuntento na siya sa patingin-tingin sa malayo.
Masyado siyang kampante. Hindi man lang sumagi sa isip niya na hindi siya ang may-ari ng oras.
Ngayon ay wala ng oras. Ubos na.
Natigil siya sa pag-iisip ng maramdaman ang pagva-vibrate ng phone niya.
Kinuha niya iyon sa bulsa niya at binasa ang text na nanggaling sa kaibigan niya.
Hindi alam ng mga ito na nasa libing siya. Hindi rin niya sinabi. Magtataka lang ang barkada niya kapag sinabi niya.
Dahil hindi naman sila close ni Wynona.
Dahil isa siyang sikat sa University nila. Siya at ang barkada niya. Hindi sila nakikisalamuha sa hindi nila ka-level.
And Wynona was not one of them.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya ito nilalapitan.
May reputasyon siya. Sikat siya. At hindi sikat si Wynona. Bukod sa bestfriend nito, wala na itong ibang kaibigan.
Ngayon ay nagsisisi siya.
If he could turn back the time, he'll choose to be with her.
If he could, ipagpapalit niya ang status niya para lang makasama ito.
If he could, hindi niya na iisipin ang sasabihin ng barkada niya.
If only he could, then he would.
-----
BINABASA MO ANG
Back In Time (completed)
Fantasy-COMPLETED- Bumalik siya sa nakaraan para iligtas ang buhay ng babaeng mahal niya. What are you willing to do for the one you love? Are you ready to travel back in the past? At paano nga kung nagising ka na lang isang umaga na bumalik ka sa nakalipa...