Chapter 18

835 133 12
                                    



Sa mga lumipas na araw ay wala siyang ginawa kung hindi ang tila magmistulang bodyguard o kaya naman ay stalker ni Wynona. Sa mga dumaang araw ay wala rin siyang sinayang pa na oras.

Hindi na nila napag-usapan pa ang sinabi niya rito patungkol sa pagbalik niya sa oras. Iniiwasan din niya. Isa pa, 2 days na lang ang mayroon siya.

Dalawang araw na lang at mawawala na ito.

Dalawang araw na lang ang mayroon siya.

Dalawang araw na lang niya itong makakasama.

Dalawang araw na lang niya itong makakausap.

Dalawang araw na lang.

Sa loob ng lumipas na ilang araw, hindi rin pumalya ang pagpaladala ng notes kay Wynona.

Hindi man nito sinasabi, nakikita niyang natatakot si Wynona. Buti na nga lang at kasama nito palagi ang bestfriend nitong si Mara.

Sa lumipas din na araw ay bumalik ang samahan nila ng barkada niya. Biglang isang araw ay naging maayos na sila. Ganoon naman kasi talaga 'di ba? Kung kaibigan mo, kaibigan mo talaga.

Isa pa, nakakasama na rin nila si Wynona at Mara. Kagaya ngayon. Kasama nila ang mga ito. Nabanggit niya na rin kasi kayla Prince ang nangyayari. Willing naman itong tumulong kahit papaano kay Wynona. Kapalit daw ng ginawa ng mga ito sa locker niya.

Pero kilala niya ang barkada niya. Alam niyang iyon ang paraan ng mga ito para humingi ng tawad.

"Ahm... Guys, mauna na muna ako ha. May gagawin pa ako," sabi ni Tom. Tumayo na ito at binitbit ang bag.

Pagkatapos magpaalam ay nagmamadali na itong umalis.

"Dumadalas ang pag-alis niyan ni Tom. Ano ba'ng ginagawa noon?" sabi ni Prince.

Napatingin siya kay Prince. "Madalas siyang umalis? May ka-date na naman?" tanong niya rito.

"May mystery girl 'yan si Tom eh. Ayaw pa kasing ipakilala," natatawang sagot ni Marlon.

Napangiti siya. "Pabayaan niyo na. 'Wag niyong aasarin," naiiling na sagot niya.

"Hindi naman ah. Suportado nga namin siya," sagot ni Prince.

Napatingin siya sa tahimik na si Wynona at sa kanina pa may ka-text na si Mara. Pero bago pa siya makapagsalita ay nag-ring ang phone ni Mara. Sinagot kaagad nito ang tawag.

"Sige, papunta na ako." Sabi nito at tinapos na ang tawag. Hinarap kaagad nito si Wynona.

"May gagawin kami ng mga classmates ko. Okay lang ba na mauna na ako?" tanong nito.

Matipid na ngumiti si Wynona. "Okay lang. Sige na. Baka hinihintay ka na nila," sabi nito.

Niyakap nito si Wynona bago nagmamadaling kinuha ang mga gamit at umalis. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanila.

"So, Wynona? Kamusta ka na?" tanong ni Princess dito.

"Maayos naman," simpleng sagot ni Wynona.

"Wala ka pa rin bang idea kung sino ang nananakot sa'yo?" tanong pa ni Princess dito.

Umiling-iling si Wynona. "Wala eh. Wala talaga akong idea," sagot nito.

Napatingin na lang siya sa kinauupuan ni Mara kanina. Naiwan pa ang panyo niya. Kinuha niya iyon.

Siya na lang ang magsasauli. Baka sakaling bumait ito sa kaniya kapag ibinalik niya ang gamit nito.

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon