Tahimik na nakaupo lang siya sa bench sa loo ng University nila. Sa ganitong oras, usually, kasama niya ang barkada. Pero heto siya ngayon, nakaupong mag-isa.
Si Princess na nga lang yata ang pumapansin sa kaniya. Pero hindi rin kagaya ng pagpansin nito noon sa kaniya. Malamang ay pinipigilan ng kakambal nitong si Prince. Kilala niya si Prince. Once na naka-set na sa utak nito ang isang bagay, mahirap na itong pigilan.
Pero payapa ang pakiramdam niya. Siguro ay dahil iyon sa nakasanayan niya ang mag-isa.
Ten years din siyang namuhay mag-isa. Ten years na inilayo niya ang sarili niya sa mga taong malapit sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Nagsasayang ka ba ulit ng oras?" sabi ng boses sa likuran niya.
Nilingon niya ito. Ang Janitor na nabangga niya noon. Ang estranghero. "Hindi naman. Nag-iisip lang din ako," sagot niya rito.
Napatango ito sa sinabi niya. Umupo ito sa tabi niya. "At ano naman ang mga iniisip mo?" tanong nito.
Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Ngayong ibinalik mo ako sa nakaraan, nakikita ko na ang mga pagkukulang ko. Ang dami kong na-realize."
Hinarap siya nito. "Kagaya ng ano?" tanong nito.
Huminga siya nang malalim. "Kagaya ng mga simpleng bagay na hindi ko pinapansin noon. Kagaya ng mga pagkukulang ko. Kagaya ng mga panahong lumipas na hindi ko ginawa at sinabi ang mga dapat kong gawin at sabihin."
Ngumiti ito sa kaniya. "Ano na ang plano mo, Liam?" tanong ulit nito.
"Ang hindi na sayangin ang limitadong oras na mayroon ako," sagot niya rito.
"Mabuti kung ganoon."
"May... May itatanong ako," nag-aalangang sabi niya rito.
Tinignan siya nito ng diretso. "Ano 'yon?"
"Si... Si Wynona. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Pakiramdam ko kasi, may mali. Ewan ko. Kung baka mali lang ang mga paraan ko ngayon, o baka may mali talaga sa nangyayari. Naguguluhan ako."
"Hindi na kita puwedeng tulungan sa bagay na 'yan, Liam. Oras lang ang kaya kong ipagkaloob sa'yo. Malaki ang ibinigay ko para lang mabigyan ka nang maikling oras," seryosong sabi nito.
Kumunot ang noo niya. "Ano ang ibinigay mo? At bakit magsasakripisyo ka ng isang malaking bagay para mabigyan lang ako ng oras? Sino ka ba talaga? Bakit gusto mong balikan ko si Wynona? May kaugnayan ka ba sa kaniya?"
Ngumiti lang ito at tumayo. "Malalaman mo rin lahat pagkatapos nito, Liam. Sa ngayon ay intindihin mo ang mga bagay na dapat mong gawin. Labing-walong araw na lang ang mayroon ka, Liam," sabi nito.
Napatingin siya sa marka niya.
18
Labing-walong araw na lang. Pero hindi pa rin niya alam ang dapat niyang gawin. Nalilito pa rin siya. Ano ba talaga ang dahilan ng estrangherong 'yon para pabalikin siya sa nakaraan?
Bakit parang concern ito sa nangyari kay Wynona?
At bakit iba ang pakiramdam niya? Bakit parang may iba ngang nangyayari?
-----
"Hi, Liam. Kanina ka pa?" nakangiting bungad ni Wynona sa kaniya. Nasa paboritong Coffee Shop ni Wynona ulit sila. Napag-usapan kasi nilang magkita roon pagkatapos ng mga klase nila.
Halos thirty minutes na siyang naghihintay dito, pero hindi niya iyon pinansin. Nakapagtiyaga nga siyang kausapin lang ang lapida nito sa loob ng sampung taon, ano ba naman ang treintang minutong paghihintay.
"Hindi naman. Halos kararating ko lang din," nakangiting sabi niya rito. Mas pinili niyang 'wag ng sabihin dito na medyo kanina pa siya.
Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya. Marami itong dalang libro. Malamang ay dumaan na naman ito sa Library. Sana pala ay sinamahan niya na rin ito.
Yes, starting today, sasamahan niya na ito pati sa Library.
"You know, sinubukan kong isama si Mara, pero ayaw niya talaga," pagsisimula nito.
Pinilit niyang ngitian ito. Naalala niya na naman tuloy ang sinabi ng bestfriend nito sa kaniya. "Hindi ko siya number 1 fan," biro niya na lang dito.
Maliit ang naging ngiti nito. "Kaya nga gusto kong makilala ka niya. Mali sila tungkol sa'yo, Liam. Alam ko 'yon," sabi nito.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Ayos lang. Wala naman akong dapat patunayan sa lahat."
Tumango ito sa sinabi niya. "Believe it or not, sa ilang araw lang, pakiramdam ko sobrang laki na ng pinagbago mo. Parang bigla ka na lang nag-matured. I don't know. Parang... Parang bigla na lang may nagbago sa'yo."
Hindi lang ilang araw, Wynona. Mahabang panahon na ang lumipas. Maniniwala ka ba sa akin?
"Well... Kanina pa tayo nag-uusap pero wala pa tayong order. Ano ang gusto mo?" pag-iiba niya sa usapan. Mahirap na. Baka masabi niya. Mahigpit na bilin pa naman ng estranghero na wala siyang pagsasabihan sa sitwasyon niya.
Pero bago pa ito makasagot ay nag-ring ang phone nito. Nagmamadaling sinagot nito ang tawag. "Hello? Mara?" sabi nito. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "Ano? Paano..." hindi na nito naituloy ang sasabihin at mabilis na tumayo sa kinauupuan.
Nag-aalalang napatayo rin siya sa kinauupuan niya ng wala sa oras.
"Pupunta na ako," sabi ni Wynona sa kausap bago tinapos ang tawag.
Hinarap siya nito. Magkasalubong din ang kilay nito. "Ano raw ang problema? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Saglit na tinitigan lang siya nito. "I need to go. Kailangan kong bumalik sa University."
"Sasamahan na kita."
-----
BINABASA MO ANG
Back In Time (completed)
Fantasy-COMPLETED- Bumalik siya sa nakaraan para iligtas ang buhay ng babaeng mahal niya. What are you willing to do for the one you love? Are you ready to travel back in the past? At paano nga kung nagising ka na lang isang umaga na bumalik ka sa nakalipa...