"I'm sorry, I'm late. I got caught up in the traffic," sabi niya sa girlfriend niya for seven months na si Nadia. He kissed her right cheek bago umupo sa katapat na bakanteng upuan nito.
Nakita niya ang inis sa mukha nito. Hindi niya ito masisisi kung ganito ito ngayon. Madalas kasi siyang late sa mga date nila.
"At hindi mo naisip na umalis ng maaga? Palagi na lang ganyan ang excuse mo. Sinisisi mo pa ang traffic!" inis na sagot nito.
Napabuga siya ng hangin. "I'm sorry okay. Inaamin kong mali ako," sagot niya rito.
Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kaniya. "Nakakasawa na 'yang sorry mo, Liam! Palagi ka na lang ganyan! Okay lang noong una eh, pero paulit-ulit mong ginagawa!"
Huminga siya nang malalim. "Let's not fight over this. Masakit din ang ulo ko," walang ganang sabi niya.
Sandaling tinitigan siya nito. "I love you. Mahal kita, Liam. I stayed with you kasi umaasa ako noon na matututunan mo rin akong pahalagahan. We're not kids! Hindi na tayo mga bata! For goodness sake, Liam. Twenty-eight ka na!" sabi nito sa kaniya.
Napatingin siya ng seryoso rito. "Ano ba'ng gusto mong gawin ko? I'm doing everything that I can! Don't ask too much from me!"
Mapaklang napangiti ang nobya niya sa kaniya. "I just want you to give me the importance that I deserve! Mahal kita, Liam. Pero hindi ko na kaya. I'm sorry. I'm breaking up with you." Sabi nito at tumayo na sa upuan.
Tumayo rin siya sa pagkakaupo. "Look, I'm sorry if na-late na naman ako, okay. Babawi ako."
Napailing ito. "Don't force yourself to love me, Liam. I know you're trying. I know. Pero hindi ko na kaya 'to. I can't be with you anymore. Ang sakit na eh. Ang sakit na binabalewala ako ng taong mahal na mahal ko."
Hindi na siya nakakilos ng iwan siya nito. Napailing-iling na lang siya at bumalik sa pagkakaupo.
Hindi na ito bago sa kaniya. Ilang beses na siyang nagka-girlfriend. All of them broke-up with him.
Alam niyang may pagkukulang siya. He's trying. Sinusubukan naman niya.
Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha niya.
Dahan-dahang pumapasok sa isipan niya ang maamong mukha ni Wynona. He can imagine her sitting at the back, reading quietly.
It's been ten years. Ten years na, pero heto pa rin siya, hindi pa rin niya makalimutan ang matagal ng namayapang dalaga.
Na-late sya sa date nila ng ex-girlfriend niya na ngayon na si Nadia ng uminom at malasing siya kagabi.
Uminom siya dahil pinipilit niyang kalimutan na ngayong araw na ito ang ika-sampung taon na anibersaryo ng pagkamatay ng babaeng totoong minahal niya.
Tumayo siya sa upuan at nag-iwan na lang ng pera sa table nila kahit wala pa silang na-order at umalis.
Tahimik na pumasok siya sa kotse niya at nag-drive.
He stopped at the nearest flowershop at bumili ng isang bungkos na puting bulaklak.
It's her favorite flower. Sa mga patagong pagmamasid niya noon ay nalaman niya 'yon.
Walang katao-tao sa paligid ng makarating siya sa pupuntahan niya.
Mas gusto niya 'yon. Kapag ganoon kasi ay nakakausap niya ito nang malaya.
Inilapag niya ang bungkos ng puting bulaklak sa tapat ng puntod nito at naupo sa harap nito.
"Hello. Ako ulit to, si Liam," sabi niya rito. Nabingi siya sa katahimikan.
Napapikit siya nang umihip ang hangin. "It's been ten years you know. Sampung taon ka ng wala. Sampung taon na rin akong pabalik-balik dito."
Itinirik niya ang scented candle na dala niya at sinindihan iyon.
He watched the fire dance in front of his eyes.
"Nadia broke-up with me today. Na-late na naman kasi ako sa date namin. I can't blame her though. She deserve someone better. Someone who will love her more than I did," sabi niya rito.
Mahal naman niya ang mga naging girlfriend niya, pero parang palaging may kulang.
"I know she'll be more than happy with someone else. Hindi ko siya mapapasaya. I love her, pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Na kahit wala ka na, buhay na buhay pa rin ang pagmamahal ko," mahinang sabi niya.
Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan iyon. Humigop siya nang malalim at ibinuga ang usok.
"Ganoon pa rin sa office. Nakaka-stress ngayon. Lalo na ngayon at ang bagong head engineer namin ay mayabang," kwento niya rito.
Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok niya ng medyo humangin nang malakas. Mukhang uulan. Napansin niya kasing nagdidilim na ang kalangitan.
Pinatay niya ang sigarilyo niya at itinapon sa isang tabi.
"Nanghihinayang pa rin ako sa mga nasayang kong panahon noon. Akala ko kasi may oras pa ako para mapalapit sa'yo. I thought I have all the time in the world. Late ko ng na-realize na maiksi lang pala ang oras," sabi niya rito.
Binunot niya ang damong tumutubo sa gilid ng puntod nito. "Kung pwede ko lang balikan ang nakalipas, ginawa ko na. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon," mahinang sabi niya.
"Nais mo bang bumalik sa nakaraan, Hijo?" Mabilis na napalingon siya sa nagsalita sa likuran niya. Kinakabahang napatingin siya sa matandang lalaki.
Ni hindi niya man lang naramdaman ang paglapit nito.
Kupas ang damit nito at may hawak na walis.
"Care taker ho ba kayo rito?" tanong niya rito.
Ngumiti ito sa kaniya. "Oo. Tagapag-alaga ako rito," sagot nito.
Napatango siya at tumayo. Hindi siya komportable na may ibang tao roon. "Sige ho. Mauna na ho ako."
Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin siya nito. Nilingon niya ito. "Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon. Pero binibigyan kita ng dalawampu't-limang araw para gawin ang tama," sabi nito.
Kumunot ang noo niya. "Ha?" naguguluhang sabi niya.
"Dalawampu't-limang araw, Hijo. 'Wag mong sayangin ang oras mo," makahulugang muli na sabi nito.
Naguguluhan na napatitig siya rito. Magtatanong pa sana siya ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nagmamadaling tumakbo siya pabalik sa kotse niya. Pagpasok niya sa loob ay sumilip kaagad siya sa labas para tignan ang matanda.
Pero wala na ito roon.
-----
Habang nakahiga at hinihintay na dalawin siya ng antok ay naalala niya ang matanda sa sementeryo. Bigla na lamang itong nawala.
Pakiramdam niya tuloy ay may nakita lang siyang multo.
Napailing siya. "Ang tanda mo na, Liam. Walang multo," natatawang sabi niya.
Unti-unti ay hinila na siya ng antok. Ngunit bago tuluyang makatulog ay tila may boses siyang narinig.
Dalawampu't-limang araw. 'Wag mong sayangin ang oras mo.
Pagkatapos noon ay tila may kung anong puwersa ang humigop sa kaniya. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang mundo niya. Napadilat siya at hindi niya alam kung nahihibang ba siya o umiikot lang talaga ang paligid niya.
Mas lalo siyang nahilo nang mapatingin sa wall clock niya.
Nababaliw na nga siguro talaga siya.
Bakit naman mabilis na iikot paatras ang relo niya?
Sa sobrang hilo ay unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Pero bago siya mawalan ng ulirat ay huminto ang lahat.
At isang nakakapaso at masakit na sensasyon sa pulso niya ang huling naramdaman niya bago tuluyang nawalan ng malay.
-----
BINABASA MO ANG
Back In Time (completed)
Fantasy-COMPLETED- Bumalik siya sa nakaraan para iligtas ang buhay ng babaeng mahal niya. What are you willing to do for the one you love? Are you ready to travel back in the past? At paano nga kung nagising ka na lang isang umaga na bumalik ka sa nakalipa...