Chapter 16

757 138 5
                                    


Alam mo 'yong may moments ka sa buhay mo na hindi mo naman sinasadya o pinaplano? Pero nangyayari na lang.

Hindi niya planong sabihin ang mga 'yon kay Wynona, pero nasabi niya pa rin. Yes, frustrated siya, pero hindi pa rin dapat siya nagpadala sa frustration niya.

Dahil base sa pagtitig nito sa kaniya, alam niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya.

Napapailing ito. "Tama nga si Mara. Pinagtitripan mo lang ako. Sana naniwala na ako kaagad sa kaniya," naiiling na sabi nito.

Lalapitan niya na sana ito pero pinigilan siya nito. "You're wasting my time, Liam. Sinayang mo lang ang oras ko," sabi nito at iniwan siya.

Hahabulin pa sana niya ito kung hindi lang biglang parang sinilaban ng apoy ang balat kung saan nakalagay ang marka niya. Mas masakit iyon kumpara sa mga pagkakataong nagbabago ito.

Tinignan niya ang marka niya. Kanina lang ay 10 pa ang araw na mayroon siya, ngayon ay 7 na lang.

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya puwedeng sabihin sa iba ang nangyayari sa kaniya? Nababawasan ang oras.

Napalunok siya. Pitong araw. Nabawasan pa ang oras niya.

7

Pitong araw. Ano pa ang gagawin niya?

Galit pa sa kaniya si Wynona. Akala pa tuloy nito ay niloloko niya lang ito.

Napaupo siya ng wala sa oras. Hindi niya matanggap na nabawasan pa ang kakapiranggot na oras niya.

Bigla ay naalala niya ang usapan nila ng estranghero. Napailing siya. Hindi ito makakauwi, pero heto siya, ni hindi man lang magawang ipaglaban ang babaeng mahal niya.

Nagmamadaling tumayo siya at sinundan si Wynona. Seven days. Iyon na lang ang mayroon siya. Kung hindi pa niya aayusin, mawawalang saysay ang lahat.

Paglabas niya ay natanaw pa niya si Wynona na naglalakad palayo. Hindi na siya nag-atubili na sundan ito. Habang tumatakbo palapit dito ay nakita niya ang puting kotse na biglang umandar nang mabilis. Napatingin siya sa biglang naestatwang si Wynona.

Mas binilisan niya ang pagtakbo niya.

"Wynona!" sigaw niya. Napalingon lang ito sa kaniya.

At nang malapit na itong mabangga ay biglang huminto ang sasakyan. Tsaka lang siya nakahinga nang maluwag.

Muntik na. Bigla ay napailing siya. Hindi namatay si Wynona sa ganoong paraan. Bago pa siya tuluyang makalapit ay nakita niya ang pagbukas ng bintana. Mabilis lang iyon. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang papel na ihinagis nito bago pinaharurot ang kotse.

Paglapit niya kay Wynona ay tinignan niya kaagad kung okay lang ito. Wala itong kahit anong galos, pero nangangatog pa rin ito dahil sa takot.

Kinuha niya ang papel at binuksan iyon.

Enjoy your last final week. Sabi nila ay masuwerteng numero ang 7. Tignan na lang natin kung susuwertehin ka paglipas ng pitong araw.

P.S.:
Don't take this personally. Hindi mo ito kasalanan.




-----




"Wynona, may kaaway ka ba?" tanong niya ng medyo mahimasmasan na ito. Bumalik na lang sila sa Coffee Shop.

Tumingin ito sa kaniya at umiling. "Wala akong maalala na nakaaway ko. Hindi ako nakikipag-away," sagot nito.

Nahilot niya ang sentido niya ng wala sa oras. Kilala niya si Wynona. Mabait ito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung sino ang gagawa noon. At bakit parang matindi ang galit nito kay Wynona?

Napabuga siya ng hangin. "Eh kahit nakaasaran lang? Aksidenteng nabangga? Pinagkakautangan?"

Sunud-sunod na pag-iling lang ang naging sagot nito sa kaniya.

Bago pa siya makapagsalita ulit ay dumating na si Mara. Tinawagan ito ni Wynona kanina. Magkikita kasi sana ang mga ito, hindi lang natuloy dahil sa aksidenteng nangyari kanina.

Mabilis na nilapitan nito si Wynona at niyakap nang mahigpit. "Huwag mo nga akong pinag-aalala ng ganoon, Wynona!" bungad nito sa kaibigan.

"I'm sorry. Medyo nawala rin ako sa sarili ko kanina," mahinang sagot ni Wynona.

"Na-report niyo na ba ito sa mga Pulis?" tanong nito.

Sabay silang napailing. Parehas kasi nila nakita na walang plate number ang kotse. Tinted din ang window. At dahil medyo natulala si Wynona, hindi nito nakita ang mukha ng driver ng saglit nitong binuksan ang bintana.

"Ano pa ba'ng nangyari?" nag-aalalang tanong nito.

Inabot niya rito ang papel na ibinato ng driver. Binasa kaagad iyon ni Mara. Mga ilang saglit lang ay galit na galit na nilukot nito ang papel.

Galit ang mga tingin na ipinukol nito sa kaniya. "Ikaw ang may kasalanan nito! Hindi na ako magugulat kung kagagawan ito ng barkada mo!" akusa nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. Nagkatinginan sila ni Wynona.

Posible ba? Posible kayang sila Prince talaga ang nananakot dito?

Huminga siya nang malalim bago hinarap ang magkaibigan. "Ako na ang bahala." Sabi niya at tumayo sa harapan ni Wynona. "Hindi ka nila puwedeng saktan. Hindi ako papayag."




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon