"So...?" pagsisimula ni Wynona.
Kasalukuyan silang nasa isang Coffee Shop malapit lang sa University nila. Alam niyang iyon ang paboritong place ni Wynona.
Ilang beses niya na itong sinundan noon sa Coffee Shop na pinuntahan nila ngayon. Naaalala pa niya na dito rin mismo sa table na inookupa nila palaging nakapuwesto si Wynona. Tahimik lang ito na nagbabasa. Tila walang pakialam sa paligid niya.
Kaya nga malaya niya itong natititigan noon. Kasi wala man lang itong kaalam-alam na may nakatingin na pala sa kaniya.
Hindi man lang nito alam na may na-i-inlove sa kaniya sa tuwing ngumingiti ito kapag may nababasa sa kung anumang libro na binabasa nito. Ilang beses na ring kumunot ang noo niya noon sa tuwing kumukunot din ang noo nito sa tuwing tila may hindi ito nagugustuhan sa binabasa. Ilang beses na rin na muntikan niya itong lapitan noon sa tuwing nakikita niya na tila maiiyak na ito sa binabasa nito.
Kung tutuusin, sobrang daming pagkakataon na sana ang mayroon siya noon. Sobrang daming pagkakataon na sinayang niya.
At hindi man mapunan ang mga pagkakataon na sinayang niya noon, sisiguraduhin na lang niya na malalaman ni Wynona na mahal niya ito.
Sasabihin niya. Ipapakita niya. Ipaparamdam niya.
Atleast masabi man lang niya kay Wynona bago ito ma...
Tila biglang may ideyang pumasok sa isip niya. Bakit nga ba siya bumalik sa nakaraan? Ano ba talaga ang dahilan?
Paano kung...
"Liam?"
Paano kung may iba pang dahilan?
"Liam?"
Paano kung... kung...
"Liam!" Nahinto siya sa pagmumuni-muni nang marinig ang malakas na boses ni Wynona.
Nakakunot ang noo nito sa kaniya.
Ganoon na ba katagal na tulala lang siya? First date nila, pero kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya.
"Sorry. Medyo may pumasok lang sa isip ko," nahihiyang sabi niya rito.
Tanging tango na lang ang naging sagot nito sa kaniya. Bigla niyang naalala ang libro nitong inagaw niya. Mabilis na kinuha niya iyon sa bag niya at inabot 'yon kay Wynona.
Kinuha naman nito kaagad ang libro. "Thanks," mahinang sabi nito.
Napangiti siya. "Nagpasalamat ka sa kumuha ng libro mo," biro niya rito.
Nakita niya ang pagsilip nang maliit na ngiti nito. Pakiramdam niya ay napakalaki na ng bagay na nagawa niya. Kahit maliit lang ang ngiting 'yon, siya ang dahilan noon. Siya.
"So... Ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako ginugulo, Liam?" tanong nito bago ininom ang order nitong Cold Coffee. Samantalang siya ay Black Coffee ang inorder niya.
Noong lumipas kasi ang taon, nagbago na rin pati ang taste niya. Isa lang naman ang hindi nagbago.
Ang nararamdaman niya sa babaeng kasama niya ngayon.
"Kailangan ba talaga na may dahilan?" balik-tanong niya rito.
Mahal kita. Gusto kitang makasama habang may oras pa.
"Nakakapagtaka lang kasi. Kailan lang hindi ako nag-e-exist, tapos ngayon, bigla-bigla ay parang interesado kang makilala ako," naguguluhang sabi nito.
Matagal ka ng nag-e-exist sa mundo ko. I'm sorry hindi ko kaagad naparamdam 'yon sa'yo.
"Can I ask you a favor? Tutal naman ay ibinalik ko ang libro mo," biro niya rito.
At sa pagkakataong iyon ay hindi na nito pinigilan ang pagngiti nito. Lumitaw ang nag-iisang dimple nito sa kanang pisngi.
At kagaya noon, gustong-gusto niyang hawakan ang dimple na iyon. Dimple na lumalabas lang dati kapag kausap nito ang bestfriend nitong si Mara.
"Anong favor?" nakangiting tanong nito.
Napangiti siya rito. "Let's start over. No more 'I know you and your friends', Wynona. Gusto kong makilala natin ng totoo ang isa't-isa. Puwede ba 'yon?" sabi niya rito.
Nakita niya ang sandaling pag-iisip nito. Alam niyang pinag-iisipan nito ang inaalok niya. At sa mga sandaling iyon ay wala siyang ibang hinihiling bukod sa sana ay bigyan siya nito ng pagkakataon na makilala siya nito nang maayos.
"Sige. Payag ako," sagot nito.
Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya rito. "Talaga?"
Natawa ito sa reaksyon niya. "Yup."
Umayos siya ng pagkakaupo at hinarap ito nang maayos. Binigyan niya rin ito ng isang malaking ngiti. "Hi, I'm William De Chavez. But you can call me, Liam." Sabi niya rito ay naglahad ng kamay.
Inabot naman nito ang kamay niya. "Hi, Liam. I'm Wynona Mendez," nakangiting sabi nito.
Kung puwede lang sanang hindi na bitiwan ang kamay nito, kaya lang ay kailangan niyang gawin.
"So... friends?" hopeful na tanong niya rito.
Uminom ito sa drinks nito bago ngumiti sa kaniya. "Pag-iisipan ko," sagot nito.
Napatitig ulit siya rito. Nineteen days from now ay mawawala na ito. Nineteen days from now ay hindi niya na ulit ito makikita.
Why... why would she kill herself?
"Wynona," pagtawag niya sa atensyon nito.
"Hmmm..."
"Kapag may problema ka, puwede mo akong lapitan," sabi niya rito.
Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito. "May bestfriend ako na palagi kong pinagsasabihan, pero thank you pa rin," sagot nito.
Hindi ka natulungan ng bestfriend mo. Kahit siya, hindi makapaniwala sa nangyari sa'yo.
"I know. Alam kong may bestfriend ka. Basta, just in case na may mga bagay ka na hindi masabi sa kaniya, nandito lang ako," seryosong sabi niya.
"I doubt that. Nasasabi ko lahat kay Mara. Pero sige. Salamat," sagot nito.
Kumunot ang noo niya.
Then, bakit ka nagpakamatay? Kung nasasabi mo lahat, bakit mo 'yon ginawa?
"I'll be here for you from now on. Kaya 'wag ka masyadong makulitan sa akin," iyon na lang ang tanging nasabi niya.
Isang bagay lang ang napansin niya, magaling magtago ng problema si Wynona.
Kasi hindi niya makita kung okay lang ba talaga ito o hindi.
-----
BINABASA MO ANG
Back In Time (completed)
Fantasy-COMPLETED- Bumalik siya sa nakaraan para iligtas ang buhay ng babaeng mahal niya. What are you willing to do for the one you love? Are you ready to travel back in the past? At paano nga kung nagising ka na lang isang umaga na bumalik ka sa nakalipa...