Chapter 9

860 142 13
                                    



Pasipol-sipol pa siya habang naghuhugas ng pinagkainan nila. Maganda ang naging takbo ng paglabas nila ni Wynona. Naging maganda ang pag-uusap nila.

Tama nga ang hinala niya. Masaya itong kausap at kasama. Hindi nga lang ito ganoon sa mga hindi nito ka-close. Kaya nga nakikita niya lang itong tumatawa kapag kasama nito ang bestfriend nito.

Marami siyang nalaman tungkol dito. At masaya siya dahil nalaman niya ang mga bagay na iyon dahil sa pagsagot nito sa mga tanong niya.

Mahilig ito sa acoustic songs. Favorite color nito ay violet. Mahilig ito sa aso. Gusto nito ang ulan. At higit sa lahat, malapit talaga ito sa magulang nito.

Doon siya napapaisip. Mukha namang masayahing tao si Wynona kahit pa hindi ito mahilig makisalamuha sa tao.

Kung anuman ang naging problema nito, obviously, hindi iyon sa pamilya.

At ngayon, gusto niya iyong malaman.

Pagkatapos niyang maghugas ay dumiretso na siya sa sala. Nandoon ang mama niya, nanunuod ito ng balita.

Napahinto siya. Sa loob ng ten years ay medyo naging malayo siya sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Kahit ang mama niya noon ay hindi niya na masyadong nabibisita.

Looking at his mom now, napapaisip na talaga siya sa mga oras na sinayang niya.

Kailan ba niya huling sinabi na mahal niya ito? Kailan ba siya huling nagpasalamat sa mga naging sakripisyo nito? Kailan niya ba ito huling nayakap? Kailan ba ang huling beses na napuri niya ang masarap na luto nito?

Sa haba ng lumipas na panahon ay hindi niya na maalala. Oras. Isa sa pinakamahalagang bagay na puwede nating ibigay sa mga taong mahal natin.

Dahil ang oras kapag lumipas na, hindi na maibabalik pa.

Ano nga ang sabi nila? Na kapag mahal mo, kahit gaano ka pa ka-busy, maglalaan ka pa rin ng oras. Bibigyan mo siya ng oras.

At nakakalungkot lang ngayon kapag naiisip niya na ang mga oras niya ay pinalipas niya lang sa wala.

Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran ng Mama niya at niyakap ito nang mahigpit. For a moment, pakiramdam niya ay totoong labing-walong taong gulang lang siya ulit. Na bata pa talaga siya at protektado siya nito.

At nang pisilin nito ang braso niya na nakayakap dito ay parang gusto niyang maiyak. It's been so long. Sobrang tagal na simula noong huling beses na mayakap niya ito.

"I love you, Mom. So much," mahinang sabi niya.

Tinapik-tapik nito ang pisngi niya. Nakatingin pa rin ito sa TV, pero alam niyang nasa kaniya ang atensyon nito. Palagi naman. Kahit busy ang Mom niya, siya pa rin ang priority nito.

"Thank you. Thank you for everything, Mommy. Sa pagluluto ng masasarap na pagkain, sa pagtatrabaho para itaguyod ako dahil wala na si Daddy. Sa paglalaba ng mga damit ko. Sa pagtanggap at pagmamahal mo. Thank you po," parang batang sabi niya.

Naramdaman niyang tila may pumatak sa braso niya. At alam niya kung ano iyon. Alam niyang umiiyak na ang Mommy niya ngayon. Umalis siya mula sa likuran nito at umupo sa tabi nito. Mabilis na pinunasan niya ang luha ng Mommy niya.

Isa sa pinakamasakit na bagay na puwedeng makita niya ay ang makita itong umiiyak.

"I'm sorry for being a disappointment. Sorry po kung minsan ay sakit ako sa ulo mo. Hindi ako mabuting anak kahit pa sobrang buti mong ina sa akin..." narinig niya ang pagkabasag ng boses niya. Kinuha niya ang kamay nito. "I'm sorry because I've wasted so much time."

Hinawakan ng Mom niya ang pisngi niya. "Oo, masakit ka sa ulo, pero kahit kailan ay hindi ka naging disappointment sa akin, Liam. Mabuti kang tao, anak. Alam ko 'yon. Nanay mo ako. At kahit paulit-ulit kang magkamali ng desisyon, anak pa rin kita. Mahal pa rin kita. Hindi na magbabago iyon."

At hindi niya na napigilan ang luha niya. Mabilis siyang yumakap dito. Naalala niya noong seven years old siya. Nadapa siya at nandoon ang Mommy niya para gamutin ang sugat niya.

Totoo ngang mapanlinlang ang oras. Ni hindi mo na namamalayan kung gaano na katagal ang lumipas na panahon.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'yo para magkaganito ka, Liam, pero kung ano man iyon, gusto kong malaman mo na nandito lang ako. Mahal kita, anak. Mahal na mahal kita."

Mas niyakap niya ito nang mahigpit. "I love you too, Mom. I'm sorry."

I promise I'll be a better man now.




------




"Liam," napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Si Mara. Ang bestfriend ni Wynona.

Mabilis na hinarap niya ito. Hinintay niyang makalapit ito sa kaniya.

"Yes?" tanong niya ng makalapit na ito.

Saglit na tinitigan siya nito bago nagsalita. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Liam. Stay away from Wynona. Hindi ka makakabuti para sa kaniya."

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Base na rin sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya, na parang hindi siya katiwa-tiwalang tao ay alam niya na. Na hindi siya gusto ng bestfriend ni Wynona.

"Wala akong masamang intensyon kay Wynona," sagot niya rito.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "She's my bestfriend. Kilala ko siya. Masyado siyang mabait kaya hindi niya papansinin kung anong klaseng tao ka. Pero hindi ako. I'll protect her as much as I can," sabi nito at tinignan siya nang diretso sa mata. "Stay away from her. You're not good for her."

Mapaklang napangiti siya rito. "You don't know what's good for her. I'm sorry, pero hindi ko gagawin ang gusto mo."




-----

Back In Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon