Ang Unang Rejection ng Taon

6.7K 433 135
                                    

Sa sobrang stressed ko, nag-update ako kahit sabi ko hindi. See you tomorrow.

--

Grabe talaga 'yung pagkakaibigan, 'no? Ang daming nagagawa. Ang daming options.

Kanina kasing lunch, inaya ko si Rj. Lights, camera, action! Ayan. Magsisimula ang eksena sa maingay na pagtipa ko sa harap ng kompyuter. Pasulyap-sulyap. Tapos lumapit na si bidang babae - which is me of course sino pa ba hihilahin ko buhok sa keps ng kung sino mang haharang sa daan ko papunta kay Rj, people, I'm telling you - sa desk ni bidang lalaki na may yummy biceps and papalicious dimple.

"Hi, Rj."

"Hi, Maine."

"Lunch?"

"Medyo busog pa ako eh," sabi nya. Alam ko naman na wala sa genes nya ang magsinungaling pero malay mo bigla syang mawala sa paningin ko?! Now is the chance! "Sorry. Gutom ka na ba talaga?"

"Aw. Sayang naman." Lumayo ako ng kaunti at tumalikod sa kanya saka umimik. "Sige na nga. Ako na nga lang ang bababa ng building mag-isa. Ako na lang ang lalabas ng building mag-isa. Ako na lang ang tatawid sa pedestrian lane ng mag-isa. Ako na nga lang ang papasok at magpapa-inspect sa ladyguard mag-isa. Ako na lang ang aakyat sa escalator pataas. Mag-isa 'yon, ah. Hindi ako papayag ng may katabi. Ako na lang ang pipili ng resto mag-isa. Ako na lang ang pipili ng kakainin ko mag-isa. Ako na lang ang oorder mag-isa. Kasi bakit ako mag-eexpect na may kasama ako eh wala naman akong friend na katrabaho, 'di ba? Wala talaga. Ako na lang -"

I heard a manly chuckle. "Okay, okay," he cleared his table and got his wallet. "I get your point now."

Syempre we talked about endless things during the meal. Ang nakaka-sad lang, ako lang 'yung tanong nang tanong. Mukha naman kasing hindi sya interesado sa buhay ko. Palagi nya lang ibabalik 'yung tanong na, 'Ikaw?'

"Kailan birthday mo?"

"January 2. Ikaw?"

"March 3. Eh anong favorite mong color?"

"Gray. Ikaw?"

"Ay, akala ko black favorite color mo. Ako... Dark white or light black. Kahit alin du'n."

"Komedyante ka talaga minsan."

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Tatlo. Kayo?"

"Lima. Lahat sila may lovelife. Ako lang ang pinagbagsakan ng langit at lupa sa amin, eh."

"Grabe ka naman sa sarili mo."

"Kaya nga sabi ko sa'yo, date me so you'd put an end to my suffering, 'di ba?"

"Maine.."

"Joke lang! Bakit 'di ka mabiro? Friends tayo, 'di ba!?"

Tapos iiling-iling lang sya. Alam mo 'yung little and simple way of rejection nya, medyo masakit din 'teh. 'Yung parang, wala pa nga kayong pinagsamahan, bawal agad? Ni hindi ko pa nga alam kung anong itsura ng boxers nya, bawal agad silipin? Alam mo 'yon? 'Yung wala na agad akong chance?! 'Di pa nga ako nanliligaw, basted agad ako?!

Nu'ng hapon na 'yon, umuulan. May payong ako sa bag pero syempre hindi ko nilalabas. Inintay kong si Rj ang maglabas. E 'di kung may payong sya, makikisukob ako. E 'di kung wala, sya 'yung papasukubin ko sa'kin. Hindi naman ako honor student nu'ng nag-aaral pa ako pero bakit bigla akong tumatalino sa ganito?

"Rj," sabi ko nu'ng naglabas sya ng payong. "Pwede pasukob?"

He slightly tilted his head and just stared at me. "Nasaan na 'yung payong na gamit mo kaninang umaga?"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon