Ang Medyo-Perf-Lang na Date ng Taon

6.5K 557 243
                                    

Alam nyo, minsan hindi ko maintindihan 'yung topak ko. Mahilig kasi akong magplano ng mga bagay-bagay at sa sobrang tagal ko magplano ng supposed to be perfect date namin ni Richard, walang nangyari sa mga pinlano ko. Ayaw ko ng dinner date, masyadong formal, baka kapag na-imbyerna ako mabato ko sya ng kutsilyo kapag hindi ako na-satisfy sa mga isinasagot nya sa akin. Ayoko din ng pupunta kami kung saan-saan kasi baka bigla namang sya ang maimbyerna sa akin at iwanan ako eh wala akong sasakyan. Ang daming pwedeng maging flaw ng mga 'not-so-perfect' dates na iniisip ko kaya I always end up with nothing. Wala. Bokya.

Hindi naman ako tinatanong ni brother Richard kung kailan. Medyo halata ko rin na bothered sya or kinakabahan du'n sa hiningi ko pero syempre hindi ko pa ino-open up kaya siguro medyo chill pa sya. Sabi ko lang sa aknya, maging ready at any time of the day. Kahit madaling araw pa 'yan. Tumawa lang sya tapos sabi nya, okay.

Eh tinamaan ako ng topak kong magaling. Tinawagan ko sya ng alas-dos ng madaling araw.

"Hello?"

"H-hello? Maine?" Pupungas-pungas nya pang sabi. Hello, feeling ko ang cute nya ngayon with his bed hair. And bedroom voice. And bed body. Ano ba 'yan, meron ba nu'n? Medyo mahalay, sister Maine. "May kailangan ka ba?"

At pinapunta ko na nga sya sa bahay para maghanap ng saradong mall. Yes. Isang saradong mall. 'Di pa nga sya makapaniwala nu'n, eh. Akala nya nagjo-joke ako hanggang magsend ako ng picture at video ko sa Messenger na alive na alive ng alas-dos ng madaling araw at nagtatatalon/nagsasasayaw sa sala. Ewan ko na lang kung hindi nya maisip na seryoso ako, ah. Sabi ko naman, anytime, anywhere, 'di ba? Ito na 'yun.

Imagine-in nyo na lang na sinundo nya ako, na naka-motor lang, at hinarap ko sya in my pjs. Grabe. Sobrang spontaneous ng naisip ko pero hindi ko maipaliwanag. Hindi perfect 'yung date na naisip ko at sobrang ewan talaga kung tutuusin. Never kong naisip 'to. Kahit 'yung kiri at jejemon na highschool self ko hindi 'to maiisip.

Pero iba kasi 'yung feeling, eh. Alam mo 'yung sabi ko sa sarili ko, hindi ko na sya gusto, baka nga nadadala lang ako ng damdamin ko, baka well, hayok lang ako sa gwapo at sya ang pinaka-malapit na gwapo sa akin dahil nasa kabilang desk lang sya, pero hindi talaga e.

'Yung exact moment na binigyan nya ako ng jacket at helmet, du'n na.

I had that tangina-shet-hayop-'di-ko-kaya-leche-ayaw-ko-pero-sige-na-nga-wala-na-me-magagawa-kasi-ayan-na-'di-ba feeling.

In short, love.

Tapos dumagdag pa nu'ng sinabihan nya 'kong humawak ako ng mabuti sa baywang nya. Jusko po, ayaw na ayaw ng magulang kong sumasakay ako sa mga motor kasi muntik na akong maaksidente sa kagaguhan ng kuya ko dati pero eto talaga omaygad shet ayaw ko na bumaba ng motor na 'to forever and I'd still be like, dito na rin kami gumawa ng first baby namin keri lang.

Finally, pagkatapos naming angkinin ang daan at baybayin ang ka-Maynilaan eh nakahanap na rin kami ng saradong mall na medyo tahimik.

Pero dahil nga Manila 'to, sa'n ka nga ba hahanap ng tahimik?

"Holding hands tayo," sabi ko sa kanya para 'di na sya maka-hindi. Hello, pumayag sya, 'di ba? Abusado here.

Tumawa lang sya pero hinawakan nya pa rin 'yung kamay ko. "Defense mechanism mo 'yan, 'no?"

"Alin?"

"Iyong pagtawa mo. Alam mo, kapag hindi mo na alam ang sasabihin, tatawa ka na lang."

"Masama ba tumawa?" Taka nyang tanong. "Mas okay 'yun kesa wala akong reaction 'di ba?"

"But it gives me the wrong idea."

"Like what?"

"Like you're happy with me," I smiled sadly. "Even though you aren't really happy."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon