Ang Emeng Blind Date ng Taon

5.3K 416 32
                                    

"So you're Daughn."

"Yeah."

"Anong ginawa mo sa Thailand?"

"Work."

"Ilan kayo sa pamilya?"

"I'm an only child."

"Anong work mo?"

"I can't tell you that."

"Bakit? Masyadong confidential? What are you, CIA?"

Hindi sya sumagot at uminom lang ng wine. Ang sarap talagang ibuhos sa mukha nitong lalaking 'to 'yung iniinom nya. Alam nyo, kapag nakita ko si Richard, susungangain ko talaga 'yung hayop na 'yon, eh. Oo, anghel sya. Oo, binalaan na nya ako. Pero malay ko bang ganito 'yung friend nya? Ako 'yung nag-iinitiate. Ako lang 'yung nagsasalita at grabe mga momshie, parang utang na loob ko pang umupo sya sa harapan ko. Nakaka-jirits.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Are you even interested in dating me?"

He nodded. "You're pretty."

I flipped my hair. "I know."

"I like conceited girls."

"Hindi ako conceited, for your information," I rolled my eyes. "Honest lang."

"I had fun," sabi nya tapos tumawag na sya ng waiter and asked for the bill. I had fun?! Nasaan ang fun du'n?!

"Fun?!" I exclaimed. Grabe kasi talaga. "Asan ang fun du'n!? Sumaya ka ba nu'ng ikaw lang ang tinatanong ko?!"

"Yup," he smirked at me. "I had fun seeing you so desperate to know things about me."

Medyo masakit 'yun sa part ko, pero ewan ko. Hindi ako na-hurt ng malala. Instead, gusto kong humirit pabalik. "Kawawa ka naman kasi," I smirked back. "Parang first time mong matanong ng mga ganu'ng bagay. Ako ba ang unang babaeng naging interesado sa'yo?"

"Nope," aba, hindi natitinag sya. "You'd be one of those annoying girls who would call me nonstop after the first date."

"Ha!" I huffed. "You wish. Ang ganda ko para sa'yo, 'no. And if I'm going to call anyone after this, it's not you. It's your friend." Heller. Magpapasundo ako dahil kasalanan nya kung bakit ako nandito!

He relaxed in his seat. "I knew it."

"What?"

"I'm not the half-hearted side in this date, Miss. It's you."

"Anong ako? Anong pagmamarunong na naman 'yan?"

"Oh, I don't know," Daughnn shrugged. "But Richard told me that you could be persistent enough if you wanted to. But here you are, giving up just because I didn't give you enough answers. Let me tell you a piece of advice, alright?" He pulled bills out of his wallet and paid. "Never drag me again in your stupid chase again with that asshole Richard. It's only a fucking yes or a damn no and I don't know why both of you are still dragging this like childish highschoolers."

Richard came ten minutes after.

--

"Grabe talaga, alam mo 'yun?!" Kwentong-kwento ako sa kanya right after nya akong maihatid. I asked him to stay a little bit dahil hindi ako papayag na walang mapagkuwentuhan nitong pangyayaring 'to. Malapit ko na 'tong ilagay sa most embarrassing moments ko, grabe! "Parang kating-kati na talaga syang umalis at iwanan ako! Am I not interesting enough?! I dressed well naman, 'di ba? I even called Quen for this. Leo said that it was okay! Saan ba ako nagkamali?"

"Well," kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Richard. "Sa simula't-simula kasi... sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? I even called you the night before to warn you what Daughn's like. Sobrang secretive nyang tao."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon