Ang Sagradong Cubicle ng Taon

7K 541 267
                                    

i will be on hiatus until march

im just being rebellious against life so here is an update

thanks for greeting me last february 10 though i failed u at sold 

i am now biologically 20 still mentally 6

bye

//

Naging matamlay ako ng mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung kasama ba ang pagiging insensitive sa tinuturo sa seminaryo at kung totoo man, puro uno siguro ang nakukuha ni brother Richard dahil parang wala lang talaga sa kanya ang nangyayari. I don't feel appreciated at all pero dahil ako naman 'tong si tanga, pinipili ko na lang na tumahimik.

A part of me says that I should fight for my rights in this relationship, but a bigger part of me asks, 'What relationship?'

Grabe na talaga ang ka-unfair-an ng mundo.

It was a gloomy Friday. Kahit tuwang-tuwa ako na weekends na ang kasunod, hindi pa rin ako masaya. Alam mo 'yung balik sa normal ang turingan namin pero parang may mali talaga dahil hindi may hindi ako nasabi? 'Yun ang feeling. Hindi ako mapakali. Feeling ko malapit na akong magkaron dahil intense ang pagkalungkot ko today for no apparent reason. Nakakainis, nagiging illogical akong tao. Akala ko dati kapag twenty-four na ako, matured na ako ng sobra pero akala ko lang pala 'yun. There's not much of a difference when you're twenty and twenty-four. You're still a kid.. with more scars.

I really think that's how it is. We're all kids. Aging is just an idea. Inside, we're all kids, with just more battle scars kaya tayo nagiging mas malakas. Kung anu-ano tuloy naiisip ko; hindi naman ako 'to. Hindi ako profound na tao pero nakakamatay talaga ang overthinking at pakiramdam ko tatakbo na akong senador next election dahil malakas ang sapak ko.

Tapos ang unang bill na ipapasa ko eh kailangan ng support group mula sa gobyerno para sa lahat ng broken-hearted na babae at lalaki.

Wow, dinamay ko pa talaga ang gobyerno sa kalagayan ko, 'di ba?

Pakiramdam ko talaga, nu'ng nagsaboy si Lord ng kamalasan sa lovelife, alas-singko pa lang gising na ako. Nag-aantay siguro ako nu'n sa harap ng bahay namin tapos may dala-dalang batya. O kaya drum.

Birthday ni Madam Sheryll ngayon, one of our bosses, and much to my annoyance, I got dragged to a free dinner at the nearest Korean restaurant. Tuwang-tuwa naman 'yung mga katrabaho kong adik sa kdrama na maraming time manood ng 16 episodes na lagpas one hour each. Hiyang-hiya naman 'yung problema ko sa lovelife.

Richard noticed (at last!) my mood on our way to the restaurant and asked me, "What's up? You look troubled."

"What's up-in mo ang mukha mo," I growled, and glared at him. "Tigilan mo nga ako."

Lumapit sya sa akin at binulungan ako sa tenga. "Are you on your period?" He asked, concerned.

Kung meron ako ngayon, baka nasampal kita ng napkin bwisit ka. I just nodded, scoffed at him, then walked ahead. Wala akong time makipag-away, ha. Buti na lang may excuse ako para sa mood swing na 'to, dahil alangan namang barahin ko sya na sya ang dahilan kung bakit ako naiinis, kahit gustung-gusto ko na talaga syang sabunutan kanina. Feeling ko talaga malapit ng dumating ang dino ko dahil nagagalit ako than the usual at umaabot ako sa point na gusto kong manabunot ng gwapong seminarista na almost jowa ko na. Lord, ito na ba ang parusa nyo?

Kevin sat beside me. "Hi, Ate!"

"Hi," I said, bored. "Sa ibang araw mo na lang ako guluhin, wala ako sa mood."

"Bakit naman?"

"Do I have to explain myself to you?" Tinarayan ko sya. Nakakabwisit naman kasi talaga. "Sino ka ba?"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon