Ang CutiePie at ang First Love ng Taon

5.3K 387 101
                                    

When I was seventeen, I demanded for attention, because I was still a kid.

When I was twenty-four, I still demanded for attention, but I knew where to stand. Ganu'n pala talaga kapag nagiging adult ka. Sure, there are parts of me that are still childish and immature (hindi naman yata mawawala 'yung ganu'n) pero kapag tumatanda kasi, naiintindihan mo na 'yung mga bagay-bagay. Na kapag tumatanda ka, mas natatakot kang magtanong. Kasi takot kang malaman 'yung sagot, kasi hindi mo magugustuhan 'yung isasagot, or wala kang isasagot pabalik you'd rather not ask. Now I realize why grown-ups settle even without labels.

Sa set-up namin ni brother Richard, okay lang. Hindi ko rin sya tinatanong; kinukulit ko sya sa ibang bagay, yes, pero sa official relationship, no. When you're an adult, eto mga kids, ha, pahirap nang pahirap makakuha ng happiness. Nagiging mas matured na kasi 'yung utak mo, eh. Therefore, you crave for a different level/kind of happiness. Kung noon, masaya na ako kapag nilibre ako ng Kuya kong kuripot sa mga kapatid pero galante sa girlfriends, ngayon, hindi na ako nagpapalibre. Ngudngod ko pa sa nguso nya sa card ko.

Habang tumatanda ka, mas lalo kang nagiging aware sa paligid mo. Mas nare-realize ko na ang hirap hanapin ng kasiyahan sa mundong ginagalawan natin. Hala, lumandi lang ako sa kalalabas ng seminaryo, natuto na rin akong mag-homily?

Pero kasi, ang pino-point out ko lang, dahil nga mahirap maghanap ng kasiyahan sa mundong 'to, sobrang rare ng mga pagkakataon na... macoconsider mo talaga ang sarili mo na masaya. Kung tatanungin ba kita kung anong pinaka-nagpapasaya sa'yo sa lahat, masasagot mo?

There are only two possible outcomes: it's either hindi mo alam ang isasagot kasi masyadong marami or hindi ka makasagot kasi... wala kang maisip. Siguro kung tatanungin ako dati, wala akong maisasagot kasi... wala akong maisip. I only hope it's the former for everyone else.

At this point in my life, I say I could answer that question: Richard.

And when I'm at that point in my adult life when no material thing could satisfy me, even signature bags and clothes and unlimited credit cards and shopping coupons (hala changed person na ba ako?!), if one person could be the answer to that question, hindi pa ba ako masa-satisfy doon?!

Hindi ako nagtatanong kasi takot akong malaman 'yung sagot. Takot akong malaman na may hangganan 'tong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

So as long as I am happy, I will stay. 'Yun 'yung promise ko sa sarili ko. Hindi ako tigang lang, ah. Believe me, kung pinipilit ko lang ang sarili ko na magustuhan si Richard dahil walang ibang nagkakamali sa akin, matagal na akong umayaw. Ayoko namang sisihin ang sarili ko in the future because I didn't risk it all.

I just wanted to be happy with Richard; that is all that matters to me now.

We'd have small talks at lunch, like, getting to know each other still. Marami pa rin naman akong hindi alam tungkol sa kanya, ha. Ang adorable lang nya minsan. He'd repeatedly remind me na we're not together after those cute, small talks. Ihahatid nya ako sa bahay after work tapos sasabihin na naman nya 'yun.

"Basta, Maine," para syang sirang plaka. "I'm not your boyfriend."

"Basta, Richard," isasagot ko naman. "I'm your girlfriend."

Tapos itsura nya, parang natate na naman. "That's not how it works. It should be mutual –"

"Pakialam ba nila?" Nagtaas ako ng kilay. "Basta loyal nga ako sa'yo. Ikaw, kung may third, fourth, and fifth parties ka pang tinatago dyan after ni Lord, okay lang. As long as I'm happy with you, and I'm still enjoying our time together, I'd stay. Asahan mo 'yan."

"What if..." His tone was hopeful. "Things get rough?"

Natatawa ako sa mga ganito nya. Dito kasi sa mga pasakalye nya ko nakikita 'yung sincerity nya sa akin, eh. Kasi kung wala syang pakialam talaga, and he's just having me for another good time outside as a free man, hindi sya magtatanong ng ganito. He'd just enjoy with me. Hindi sya magtatanong ng mga ganitong bagay na parang may mga bagay pa kaming kakaharapin in the future. "Then we'd see," I waved my hand. "Let's trust my love for you to do all the magic."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon