Ang Totally Bugshal-an ng Taon

6.8K 554 480
                                    

#HWTS29

//

I woke up with a jolt.

Agad kong hinawakan iyong tiyan ko. It felt like I woke up from a very, very bad dream and I have to check if I'm still breathing or if I didn't lose anything - anyone. 

"She's still there," a voice spoke softly beside me. "Or he's still there."

Napatingin ako sa nagsalita. Sino pa nga ba? Si Richard na naman. I refused to reply. Nakahinga lang ako ng maluwag sa sinabi nya and I inaudibly thanked him for informing me. Paulit-ulit kong hinimas iyong tiyan ko as if I'm telling my baby that we'd be okay. We'd be okay, love. Pasasaan pa't mailuluwal din kita. Kaya mo 'yan. Kaya natin 'to.

I refused to talk to him the whole day. Puro tango at iling lang ang sinasagot ko kapag tinatanong nya ako kung gusto kong kumain. Ni hindi ko nga sya tinitingnan pabalik, eh. Bandang tanghali, hinainan nya ako sa kama. Balik na naman sya sa pagiging tuta na parang walang muwang but I really can't bring myself to be moved by his sincerity. Sobrang ruined na ng image nya sa utak ko and I even feel like he's just being there for the baby.

"Maine," he tried to initiate a small talk between us. "Sabi nga pala nu'ng doktor, matindi na 'yung nangyari sa'yo. If it could happen again -"

"It won't happen again," I snapped. "Kung hindi mo ako kakausapin. Mayaman ka naman, 'di ba? Pwede bang si Quen na lang ang mag-alaga sa akin? Or mag-hire ka na lang ng tagapag-alaga?"

"G-gusto mong makita si Quen? Sige, tatawagan ko -"

"Okay lang sa akin na hindi ko makita si Quen," I scoffed. "Basta hindi kita makita."

"S-sorry," at tumungo na lang sya at inintay akong matapos.

It went on for the whole day. Wala akong ginawa kundi manood ng TV ng tahimik at mag-phone. Kapag tinatanong nya ako kung anong gusto ko, hindi ako sumasagot. Inalok nya rin ako ng kung anu-anong pagkain pero hindi ako nagsasalita at dumidiretso ako sa kusina para ikuha iyong sarili ko. I even walked and moved around in a slow, gentle pace. Kung saan ako pumupunta, palagi syang nakasunod. He kept a safe distance too, and just carefully watched my actions.

Pagkaubos ko ng isang saging, tatayo na sana ako para itapon 'yung balat pero agad syang lumapit sa akin at hiningi iyon. "A-ako na."

Tiningnan ko lang sya ng matagal, at tumayo rin mag-isa. 

May pagkakataon din na nakatulog ako sa sala dahil sa panonood ng TV, at paggising ko, may kumot na nakapatong sa akin. Hindi ko alam kung mas okay ang ganito dahil parang mas mataas ang chances that I could keep my baby, pero may bumabagabag pa rin sa dibdib ko.

How did I end up like this? Truth is, I just wanted to hug him tight and plead for him to stay. Please. 'Wag mo na akong inisin. 'Wag mo na akong ipakilala sa mga magulang mo. 'Wag mo na akong ipilit na isama sa mundo mo kasi hindi ko talaga kaya. My parents would accept you with open arms, Richard. I don't even want to stay in this penthouse and live in luxury. 

When I woke up, I caught him in the kitchen, trying to cook something... edible. His cooking skills haven't been exactly great as mine, as I remember.

I hugged him from behind and ended my agony.

He froze. "M-may kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo? Anong -"

"Ikaw lang," I whispered, tears threatening to fall. "Ikaw lang 'yung gusto kong makuha..."

Humigpit iyong yakap ko.

"Pero parang ang hirap-hirap talagang makuha nu'ng mga simpleng bagay na gusto ko."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon