Ang Maikling Tampuhan ng Taon

4.9K 442 159
                                    


Nagpaalam na rin ako makalipas ang sampung minuto. Sabi ko, inaantok na talaga ako. Totoo naman. Medyo napagod 'yung panga ko kakanguya ng lahat ng libreng pagkain in hopes na madagdagan ang laman sa may chest area ko but I still miserably failed despite my attempts. Naging kawawa lang ulit si tummy.

Tsaka si heart, kasi usapang first love. Dalawa na lang kami ni Ray na hindi natatanong at bago pa ako mapupog ni Kei ng mga tanong tungkol sa first love ko na hindi ko naman pwedeng ikuwento comfortably due to the fact that he was just meters away from me, nagpaalam na nga ako at nagsabing matutulog na. Libreng outing 'to, and I should be happy because I got two free days. Hindi ako dapat ma-depress dahil lang may nagmention ng first love nya. Kebs. Maganda pa rin ako. Pak.

I saw that his eyes followed me as I stood up, but I did not return his gaze. Kaunting konsiderasyon naman. Ayoko kasing magalit sa simpleng dahilan na dapat tanggap ko naman in the first place kasi pinili ko naman 'yung spot sa buhay nya kung saan ako tatayo. I have told myself countless of times na papanindigan ko 'to. Magiging masaya ako kung hanggang saan ang maibibigay nya – 'yun ang bago kong mantra. At tatanggapin ko sya kung ano man ang past at future nya – because he chose to be with me at his present. I should know how to sort out my priorities. I'm going to live the day by the day. Hindi ako dapat maging affected.

Pero pwede naman sigurong masaktan ng kaunti, bathalang Emre? Tao pa rin naman ako, 'di ba? As far as I remember, may puso rin kaming magaganda, hindi kami puro mukha lang.

Ayoko namang kausapin si Quen. Alam ko na kasi sasabihin nu'n. Naiimagine ko na 'yung facial expression nya habang sinasabi nyang Momshie, kung may physical manifestation ang katangahan, ikaw na 'yon. Ikaw na ikaw. Your head to toe screams stupidity!

Ang encouraging, 'di ba.

"You don't want to watch the fireworks?" Takang tanong ni Ray. I kept on ranting kasi this morning how I loved watching fireworks by the beach at natuwa ako noong nagsabi si Sir Ian na may special syang pasabog this evening for his employees. 'Di ko naman inakala na literal palang pasabog sa ere 'yung tinutukoy nya e. "Excited na excited ka kanina, ah."

"Baka hindi ko rin ma-enjoy," sabi ko at tuluyan na akong nagpaalam. Try mong makinig sa kwento ng first love mo about sa first love nya, tingnan natin kung 'di ka mawalan ng gana sa lahat ng bagay. Kaloka.

Pero imbes na bumalik ako sa room namin ni Tin (dalawa kami per room), naglakad lang ako nang naglakad until I reached another side of the island na malayo sa kanila. I'm still at the shore, at puro puno 'yung nasa likod ko. I guess I'd still watch the fireworks alone.

Inaamin ko naman kasi. Pinagdasal ko 'to, eh. Itong gantong klase ng pag-ibig. Weird na kung weird pero kasi if you're in my place, siguro hindi mo ako masisisi sa uri ng hiling ko. I actually wished for that crazy, selfless love. Oo, gusto kong sumaya at tumawa in the presence of someone I really love but at the same time, gusto kong ma-inlove ng todo-todo to the point na nababaliw na ako kakaisip. Na umiiyak na ako kasi it's too much for me to handle. Na hindi ko na alam kung rational pa ba 'yung ginagawa ko kasi basta, ang alam ko lang in-love ako.

When you've been numb about these things, you kind of... wish to experience stupid things only people in love do. Basta. I hope you understand me. Pero kung hindi, hindi ko na kasalanan 'yon.

Habang nag-iintay ng fireworks, wala akong magawa kundi magsulat ng kung anu-anong kajejehan sa buhangin. Naisulat ko na 'yung Maine <3 Richard. Naisulat ko na rin 'yung I<3U, RFJ! at marami pang ibang katangahan na mostly, babaeng umaasa lang ang may gawa.

Until the fireworks came. Sobrang ganda. 'Di ko naman alam na ginalingan pala masyado ni Sir Ian ang pagiging bida-bida sa mga empleyado nya pero sobrang ganda talaga. Nu'ng una, pare-parehas lang 'yung kulay. Medyo white na dilaw lang, at maliit 'yung circle na nabubuo. But then dumami nang dumami 'yung mga kulay sa itim na langit. May red, may blue, may green. Favorite siguro ng anak nya ang Powerpuff Girls kaya ganu'n 'yung mga kulay.

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon