Ang Kompehsyon Baks ng Taon

6.2K 597 417
                                    

#HWTS20

//

Sinundan ako ni Richard hanggang sa baba. It took him minutes bago nya siguro napagdesisyunan na sundan ako kaya hindi kami nagkasabay sa elevator. Unfortunately, nasundan nya ako hanggang sa lobby at hindi ako tinigilang tawagin hanggang sa paglabas ko ng building.

"Maine," he held my arm. "Maine, pag-usapan naman natin 'to -"

"Richard," I said sternly. "Hindi ba sinabi ko sa'yo? 'Wag ngayon kasi naiinis pa ako. Hindi ako maayos na kausap at kahit sarili ko ayaw akong kausapin so please lang," pagdidiin ko pa. "Bitawan mo ako and don't make a scene."

Kanina nya pa kasi ako tinatawag na para bang walang pakialam sa paligid. Pati iyong nasa information desk at security guard eh nakatingin na sa aming dalawa dahil pilit ko syang inuunahan. Mukha kaming mag-asawang nag-aaway dahil may dala-dala akong gamit and naiinis ako sa mga tingin nila. I kept on feeling bad about what I'm doing dahil parang ako 'yung immature sa ginagawa ko.

Buti na lang dumating na 'yung Uber at wala syang nagawa kundi pakawalan ako. Usually, hilig kong daldalin ang mga Uber drivers dahil wala akong magawang matino sa buhay ko pero ngayon, parang sasabog na ako. I was more pissed than hurt, actually.

Nasakto pang sad songs iyong nagpe-play. "Kuya," inis kong sabi. "Pwede pakipatay 'yung radio?"

"Okay po, Ma'am," at natawa ako ng palihim. Obvious naman kasing nag-eenjoy sya sa soundtrip nya pero dahil sinabi ko, sabi rin nya, okay lang. Bakit ba ganu'n ang mga tao?

My mind drifted off to somewhere. I... feel just as lost as Richard.

Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi paano na lang kung ganito rin ang nararamdaman nya? Iyong kahit ilang you deserve better ang isampal sa akin ng buhay, pumipikit ako. Pumipikit ako at tinatanggal ko sya sa utak ko kasi nga, mahal ko sya.

And I just forget everything else that should matter.

//

Hindi ko kinuwento ng buo kay Quen at kay Leo iyong nangyari. Basta nag-away kami. The usual. Bago nya ako litanyahan, kinongratulate muna ako ni Quen dahil may confirmed lovelife na raw ako at nae-experience ko na raw itong mga kababawan na 'to. I was smoking here, with Leo, because Quen took an important call. I don't smoke. At all. Natuto lang ako nu'ng college, pero hindi ko nagustuhan. They say it was comforting, but I didn't find any comfort at all.

Tonight, it distracted me.

Ganu'n siguro pala talaga kapag natural kang madaldal. Silence will be really your thing when it comes to tough times like these.

"What?" I asked Leo. Kanina pa kasi sya nakatitig sa akin at sa ilang tao ng pagkakaibigan namin, alam ko kung may gusto syang sabihin sa akin. "I've changed, 'no?"

"Changed?"

"Yeah," I said, then sighed. "Nagbago na ako. Halata nyo naman siguro. Hindi na ako katulad ng dati."

I don't know if it's a good or a bad thing, but what he said next surprised me.

"You didn't."

Napatingin ako sa kanya. "I didn't?"

"It was your first time falling in love," he puffed. "You just met the kind of 'you' when you're in love, but you've always been you, Maine."

Natigilan ako sa sinabi nya. "But isn't it supposed to be that way? People change when they're in love."

"Guni-guni nyo lang 'yon," Leo smirked. "It's not your usual you, but it doesn't mean you've changed entirely because of love. Nakikilala nyo lang 'yung ibang version ng sarili nyo dahil umiibig kayo. Ikaw, kung nagiging tanga ka, hindi ibig sabihin nu'n matalino ka dati at nagpakatanga lang. You've always been stupid. Lumabas lang ngayon. And the same goes for those people who do evil. They've always been evil. They've been keeping something bad inside them. Kaya iyong mababait na gumagawa ng katarantaduhan dahil sa pag-ibig, they've always been... like that."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon