CHAPTER 5- I JUST WANNA SEE HIM

169 3 0
                                    

HI-EEEEEE~!!!! KAMUSTA NEMEN PIPZ?! haha ala lang XD

LET'S GET THIS STARTED~~

YNA’S POV

Mag-isa ako ngayong nakaupo sa classroom hawak ang cellphone ko. Hindi na ako kumain… Hindi ko kaya…

“Yna? Anong ginagawa mo dito? Di ka kumain?” Si Darren pala, tumabi siya sa akin. “Ahh may problema no…”

“Anong problema?” tanong pa niya.

Inabot ko sa kanya yung phone ko at pinabasa sa kanya yung text ni mommy…

From: Mommy

Yna, naaksidente dad mo. Finish your class first bago ka pumunta dito. Ayaw ko mapag-usapan tayo dyan sa school. I’ll explain everything later.

Habang binabasa ni Darren yung text, hindi ko na napigilan ang mga luha ko…

“Wag kang mag-alala. Hindi naman siguro malala.” sabay abot ng panyo niya.

*BELL!!! BELL!!!*

“Samahan kita mamaya sa hospital.” nag-smile siya sa akin. “I’m always here for you.”

Dumaan ang three subjects… Wala akong naiintindihan. Ang iniisip ko lang ngayon ay si daddy.

I just wanna see him.

<LUNCH BREAK>

Kinalabit ako ni Martin, “What’s with you? Hindi mo na ako pinapansin.”

“May problema ka ba? Bakit parang ang tamlay mo?” Isa-isa lang sa tanong Gerald!

“NAKU! Wag mong sabihing di ka na naman kakain?” sabi naman ni Justin.

“Wag kayong mag-alala. Kumain na kayo. Sasamahan ko siya.” Thanks bestfriend!

Umalis na nga si Martin kasama sila Gerald at Justin. Sorry guys, ok lang ako… Wala ng tao sa classroom. Kaming dalawa na lang ni Darren.

“Eto oh,” sabay abot sa akin ng chocolate coin. “Alam kong gusto mo yan, bumili kami ni BJ kanina bago pumasok.”

Bestfriend talaga, alam na alam fave choco ko. I know! Cheap ang chocolate coin pero ang cute kasi ng design at masarap! :))

 “Uyy… Tanggapin mo na kasi.” Kulit ni Darren!

“Oo na. Salamat ha, nag-abala ka pa.”

“Wala yun, I’ll do anything for you.”

Natawa ako sa sinabi niya, kanina ‘I’m always here for you’ tapos iba na naman ngayon

”HAHA! Drama mo naman. Pa for you for you ka pa diyan!”

“O yan! Tumawa ka rin. Di ka ba talaga kakain?”

Naalala ko na naman si daddy…

“Naiintindihan kita. Kung gusto mo umiyak, eto oh balikat ko.”

Napaiyak na naman ako sa balikat ng bestfriend ko…

UMIYAK AKO…

NG UMIYAK…

AT UMIYAK…

“Paano kapag nawala si daddy? *sniff* Kanino na ako kukuha *sniff* ng lakas? Alam ko namang di ako mahal *sniff* ni mommy, si daddy na lang… *sniff* si daddy na lang kakampi ko. Kailangan ko siyang makita…”

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon